Welder patay sa sabog ng acetylene tank

    493
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales—Patay ang isang welder nang sumabog ang ginagamit nitong acetylene tank habang nagwewelding sa loob ng ginagawang barko sa Hanjin Heavy Industries Company Ltd., sa Redondo Peninsula, Sitio Agusuhin, Barangay Cawag sa bayang ito.

    Kinilala ang nasawing si Ryan Gapos, 30, tubong Camigin Island at empleyado ng Finback Corp., isang sub-contractor ng Hanjin. Sa inisyal na imbestigasyon nagpuputol ng bakal sa loob ng barko ang biktima nang bigla na lamang may sumabog at masunog ang katawan ng nito.

    Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima, subalit kaagad din itong binawian ng buhay. Kaugnay nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE), Region lll sa nasabing insidente para alamin kung paano sumabog ang acetylene tank na ginagamit nito sa pagwe-welding.

    Aalamin din ng DOLE kung ang nasabing contractor at mga kawani nito ay sumusunod sa ipinatutupad na safety standard procedure

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here