Mapayapa nga ba itong nakaraang
Barangay at SK Election, kabayan?
Hindi ang sagot ng nakararami riyan,
lalo na ng inyong abang-lingkod, bayan!
Bago pa sumapit nagdaang eleksyon
ang dami na riyang mga ‘violation’
na pinag-gagawa ang mga tumakbong
kaalyado r’yan ng ibang mga mayors.
Partikular dito sa isang barangay
at iba pang baryo na nasasakupan
ng San Simon at kung saan ang talunan
din sa may highway ay tila umangal yan.
At ang mapalad na‘acting mayor’ ngayon
na siyang nanguna sa mga ‘councilors’
sa bilangan noong ‘National Election’
imbes ang umupo ay itong ‘vice mayor;
Pagkat suspendido ring tulad ni J.P.
itong si Viray ang pinakamaswerte
sa lahat na pero payo natin pati
iba na ang maging maingat parati.
Kaya tama lang na di siya nakialam
sa kung anong isyu nitong nakaraang
barangay election, na may iba’t-ibang
mga pagkilos na ipinagbabawal.
Gaya nang para lang sila makaungos
sa mga kalaban, batid na ang utos
na ‘vote buying’ ito’y nilalabag halos
ng nakararaming ang pera ay bungkos.
Kaya nga tulad ng nagdaang eleksyon
na pambarangay kung saan ang nanalong
punong barangay at kagawad ay pihong
pasimpleng namigay ang mga madatong.
Kung saan sa puntong ito saan nila
posibleng mabawi ang lahat-lahat na
kundi sa kaban ng bayan nga kumbaga
sa pamamaraang nakasanayan na.
at ang masaklap ay di baleng sumingil
ng tama lang pero itong iba nating
barangay officers di naman palaging
sa sesyon ay present ay pagnanakaw din.
May mga kagawad na kung ilang beses
ng tumakbo at palaging hindi present
sa sesyon, pero yan ay paulit-ulit
nananalo gayong ito ay di ‘active’.
At mi minsan yata riyan sa nakaraang
ilang taong pagka-upo ng taong yan
sa tungkulin bilang Kagawad, ni minsan
di dumalo hanggang sa kasalukuyan?
Iyan nang dahil sa malaking pamilya
ang sa taong ito matinding suporta,
na kahit labag sa batas ang gawa niya,
okey lang? Kahit ya’y pagnanakaw di ba?
Ang di pagsueto sa ganitong gawain
ay matinding sakit na maituturing,
kundi man ng ‘cancer’ ay kasalanan din,
na ang parusa ay marapat bitayin!~