DINALUPIHAN, BATAAN – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng CIDG Bataan ang isang Wanted Person sa Iloilo City sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Daang Bago sa bayang ito.
Kinilala ni P/Major Isabelo Ganao, hepe ng Bataan CIDG, ang suspek na si Millyn Cruz Vitug, residente ng nabanggit na barangay.
Ang suspek ay dinakip ng CIDG sa pangunguna nina P/ Sgt. Norberto Benedicto, P/ Cpl. Manolito Mariano, at Patrolman Manuel Lorenzo Moldero ng Dinalupihan Police sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa BP 22 o 14 counts of estafa, Criminal Case No. S526-19 hanggang S539-19 na inilabas ni Presiding Judge Alexis Zemudo ng MTCC Branch 3, Iloilo City noong Oktubre 3, 2019.
Ang suspek ay pansamantalang nasa custody ng Dinalupihan Municipal Police Station at nakatakdang dalhin ng CIDG Bataan sa Iloilo City.