OLONGAPO CITY – Bumgsak sa kamay ng mga tauhan ng Police Station 3 ng Olongapo City PNP ang isang Korean national na nasa talaan ng wanted persons sa lungsod na ito. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jungue Park, 37, residente ng No. 38-D, Mahogany St., Binictican Heights, SBMA.
Ang suspek ay dinakip sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Marion Jacqueline Poblete ng 4th Municipal Circuit Trial Court ng Bagac-Morong, Bataan sa kasong grave oral defamation ng may piyasang P2,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang suspek ay nasa custody na ng Police Station 3 ng Olongapo City PNP.