Walkout ni Ruffa G sa The Buzz lumikha ng malaking isyu sa showbiz

    356
    0
    SHARE
    Pinag-uusapan na, and take note, tiyak na hahaba pa’ng isyu sa walkout ek ek ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz noong isang araw. Habang kasagsagan ang show, Ruffa walked out of the scene dahil di niya nagustuhan ang isang statement ni Kris Aquino.

    O well, para sa amin, this is just a gimmick para nga pag-usapan si Ruffa. You see, she is transferring soon to TV5 at talagang kailangan ng mahabang funfare to drum up ang transfer niya.

    Anyway, isang bonggang kontrata talaga’ng pinirmahan niya sa TV5. Kumbaga, this needs to be talked about at yung walkout niya sa The Buzz would greatly be used para nga maging grandiose ang pag-entra niya sa TV5.

    Sa kontrata ni Ruffa, meaning, in the span of time (three years nga ba?) na hindi mag-materialize ang shows na nakasaad sa kontrata, eh, mababayaran si Ruffa.  Kaya pala nakapag-dialogue ang kanyang manager/mother last week ng: “Offer na sila (TV5) lang ang may kaya.” Or words to that effect.

    Naganap nga recently ang contract signing ni Ruffa sa isang Makati office kasama ang new big boss of TV5 na si Manny V. Pangilinan, and in no time at all (that same day or the following  day) ay nakasama na siya sa first Station I.D. shoot ng nagpapalakas na istasyon.

    Sa March 14 na ang huling episode ng The Buzz with Ruffa as co-host dahil ito ang nakasaad sa old contract ng dating beauty queen sa ABS-CBN. Abangan natin kung babaha ng luha sa pagpapaalam  ni Ruffa as Kapamilya star. O baka naman, di na ito siputin ni Ruffa, hindi po ba?

    Still on Ruffa, sure nang Paparazzi ang magiging title ng new Sunday show niya sa TV5 kasama ang nagbabalik-telebisyon na si Cristy Fermin na nag-photo shoot na rin for the new showbiz-oriented talk show.

    Hindi lang sina Ruffa at Cristy ang hosts ng Papa-razzi, may kasama pang Mo Twister na galing naman  sa Showbiz Central ng GMA7, nakasabay ng The Buzz. 

    By the way, magiging resident judge si Ruffa ng Talentadong Pinoy, ang nagpa-number one sa Singko sa weekend primetime slots nang humataw ito sa ratings last  year, dahilan upang gayahin ng iba.

    Nag-start na siya as judge sa grand finals  ng Talentadong Pinoy na ginanap nitong March 6.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here