BAGAC, Bataan – Ipinagpilitan kahapon ng dalawang lalaki na katuwaan lamang nila at walang nag-utos sa kanila na mag-brief habang naglalaro ng basketball sa plaza ng Bagac noong Abril 2008.
“Ako ang unang pumasok sa plaza na naka-brief lamang kaya nagsigawan ang mga tao na sinundan pa ng ibang manlalaro ng basketball bilang katuwaan naming magkakasama,” sabi ni John Francis Lucero, 23, ng Barangay Pag-asa, Bagac.
Naghubad pa nga si Lucero at ipinakita ang briefs na siya umano niyang ginawa noong 2008.
Pinangalawahan ito ni King Lopez, 22, ng Pag-asa rin, na nagsabing siya ang sumunod na naglarong naka-brief lamang.
Ang ilang tindera man sa palengke ng Bagac ay hindi makapaniwala na ang pagsusuot ng brief ay gagawing malaking isyu. “Nagkatuwaan lamang ang mga naglaro, eh ano masama noon, sa Maynila nga may mga nakahubo pa na ipinapakita sa telebisyon,” sabi nila.
Ayon naman kay Angela Labong, ang asawa niyang si Edsel, 32, ay kasama ring naglarong naka-brief at wala umano siyang makitang masama sa ginawang iyon.
Ipinaliwanag ni Bagac Mayor Rommel “Ramil” del Rosario na nagawi lamang siya sa plaza ng gabing iyon, bandang alas-9 ng gabi, kung saan maraming tao. Ang mga manlalaro sa basketball ay naka-shorts subalit nagulat na lamang diumano siya nang makita niyang nagtatawanan ang mga kasamahan niya.
“Nang lumingon ako ay may nakita nga akong naka-briefs at sa unang instinct ay napatawa ako ngunit ilang saglit lamang ay napag-isip ko na mali ito kaya nilapitan ko ang mga naka-briefs at sinabihan na itigil na ang gayon,” sabi ng punong-bayan.
Sinulatan umano siya ng Council for the Welfare of Children noong ika-10 ng Hulyo 2008 tungkol sa mga manlalarong naka-briefs. Sinagot niya umano ito noong Agosto 6, 2008 na ang nangyari ay hindi niya kagustuhan at nangakong “it will not be tolerated again.”
“Ang paniwala ko ay tapos na ito sapagka’t wala namang sumunod na aksiyon ang Council for the Welfare of Children matapos kong sagutin. Ngunit nagtataka ako kung bakit lumitaw ito paglipas ng mahigit isang taon at ngayong malapit na ang eleksiyon,” sabi ni Del Rosario.
Matibay umano ang paniniwala niya na may kinalaman sa pulitika ang nangyayaring ito.
Napag-alaman na kamakailan ay may nagsampa sa Ombudsman ng kaso laban kay Del Rosario at sa kanyang vice-mayor tungkol sa nangyaring basketbal na ang mga manlalaro diumano ay naka-briefs lamang.