LUNGSOD ng Balanga: Walang pasok ngayon, ika-22 ng Hulyo, ang mga klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan, at kanselado ang lahat ng school – related activities sa Lalawigan ng Bataan.
Ito ang nilalaman ng directive na ipinalabas ni Gov. Jose Enrique Garcia 3rd noong Linggo.
Batay, aniya, ito sa pinakahuling ulat ng PAGASA at rekomendasyon ng Bataan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kung saan ay inaasahan ang malakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa lalawigan dulot ng hanging habagat at pinalakas na TS Carina.