Home Headlines Walang katiwalian: Construction ng Subic General Hospital nagpapatuloy 

Walang katiwalian: Construction ng Subic General Hospital nagpapatuloy 

433
0
SHARE

SUBIC, Zambales — Walang naganap na katiwalian sa pagpapatayo ng
Subic General Hospital sa kabila ng pagkakaantala na matapos ang proyekto.
Ito ang paglilinaw ng mga opisyal ng Pamahalaan Bayan ng Subic, Department of Health, at Department of Public Works and Highways sa isang pulong-balitaan nitong Enero 13.

Noong 2022, ginanap ang groundbreaking ng proyekto bilang 20-bed infirmary ng lokal na pamahalaan na may panimulang pondo na P10 milyon.

Taong 2023, nang magkaroon ng panukala ang DOH na i-upgrade ito sa 74-bed Level 1 Hospital at pansamantalang nahinto ang konstruksyon ng isang taon.

Ang paghinto ay hindi resulta ng anomalya, kundi ng kakulangan ng pondo at paglipat ng administrasyon, isang transisyong nangangailangan ng panibagong rebyu at aprubal, lalo na kung ang proyekto ay iaakyat sa antas ng pambansang pamahalaan ang DOH, ayon na rin dito.

Nang tanggapin ng DOH ang proyekto, kinailangan ang masusing due diligence kabilang ang teknikal na ebalwasyon, rebisyon ng disenyo, at pagtitiyak na pasado ang istruktura sa pamantayan ng isang Level 3 hospital.

Ito ang dahilan kung bakit naantala ang unang paglabas ng pondo, isang hakbang na, ayon sa mga eksperto, ay proteksyon laban sa katiwalian.

Noong May 2024, muling ipinagpatuloy ang konstruksyon sa ilalim ng P289.5-million budget at itinakda ang ospital bilang 100-bed Level 2 facility.

Pagsapit ng Hulyo 2025, umabot sa P300 milyon ang kabuuang pondo, kasunod ng pag-upgrade sa 150-bed capacity.

Nadagdagan pa ito ng P50 milyong pondo noong Disyembre 2025 para sa susunod na phases, lahat ay dumaan sa opisyal na proseso ng pag-apruba.

Ayon kay Architect ll Raymond Pineda ng DPWH, walang batayan ang alegasyon na delayed ang proyekto, sa halip ipinakita ang kanilang records na ang bawat paghinto at pagpapatuloy ng konstruksyon ay nakabatay sa pagbabago ng saklaw ng proyekto, hindi sa kapabayaan o katiwalian.

Binigyang-diin ng DPWH na ang rebisyon ng plano, paglawak ng floor area, at pagtaas ng bed capacity ay natural na nag-extend ng timeline, ngunit kapalit nito ay isang mas malaki at mas komprehensibong ospital.

Ayon naman kay Engineer lll March Redolme, inaasahan na sa Nobyembre 2026, ang Subic General Hospital ay magiging isang DOH-operated Level 3 hospital na inaasahang magpapagaan sa pasanin ng mga ospital sa Zambales, Olongapo, at Bataan. Photo: Johnny R. Reblando

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here