Walang humpay ang kampo ni Ellen something na kesyo hihigitan daw ng starlet na ito si Sam Pinto.
Na siya na raw ang mananalong FHM’s sexiest nitong taon dahil super sexy daw ang poses nito sa pangalawang beses na pagiging cover niya sa naturang men’s mag.
Na kinokontra naman ng maraming kapanalig ni Sam Pinto.
Una, saan ba nanggaling ang Ellen da who na ito for her to say na nakahihigit siya kay Sam who was last year’s voted sexiest sa FHM. Inuulit namin, ibinoto at di self-appointed ang kanayg titulo. Publiko ang nagsabi nito.
And here now this Ellen ek saying na kaya niyang talunin si Sam?
Pangalawa, almost pornographic ang poses ng Ellen na ito to the point na ipinakita niya ang kanyang mga retokadang mamaries, tapos le-level siya sa may good breeding na si Sam Pinto?
The nerve!
Ang tanging maipapayo naming sa Ellen churva na ito, concentrate na lang siya sa kanyang pagiging starlet at baka dumating ang araw na papansinin na siya.
Sige lang! Sana, magkaroon siya ng maraming tv projects, and movies, too, para masabing sikat na siya gaya ni Sam Pinto.
Meanwhile, dapat na siguro siyang tumigil sa kakakumpara niya sa kanyang sarili kay Sam dahil siya certified starlet lang siya at si Sam Pinto, made na as a star.
O baka naman desperada na ang starelt na isinuka ng Survivor, Philippines, kaya ayan, sinisiraan niya si Sam Pinto for her own gains.
Tama yung opinyon ng isang showbiz columnist—that the more this starlet compares herself to Sam Pinto, mas lalo lang nai-stressed ang obvious, that she is only a starlet of the first degree.
HAHAHA!