Walang iwanan ang pangako sa isa’t isa nina Kathryn ay Daniel

    336
    0
    SHARE
    Humarap sa entertainment press sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa finale presscon ng hit series nilang Pangako Sa ’Yo na magtatapos na sa Biyernes, Feb. 12.

    Kahit anong pilit ng press sa dalawa, hindi sila napaamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Sa pahayag ni Daniel, very special sa kanya si Kath-ryn at proud siya sa narating ng kanilang loveteam.

    Nagbigay din sila ng pangako sa bawat isa na kahit anong mangyari ay hindi sila mag-iiwanan. Sey pa ni Kathryn, asahan daw ni Daniel na palagi lang siyang nasa tabi nito.

    Inalala rin ni Kathryn ang Pangako Sa ’Yo ang nagsilbing first mature project nila ni Daniel.

    “Ang project na ito ang naging stepping stone namin ni DJ para mas maging open sa mature roles. Ito ang perfect project kasi natimpla na, hindi kami binigla na pilit ang pagiging mature, pero makikita mo na nag-grow talaga,” sey pa ng dalaga.

    Hindi rin naiwasan ni Daniel na gunitain ang pinaka-hindi niya malilimutang eksenang ginawa niya para sa serye.

    “’Yung trailer na tumatakbo kami sa burol, memorable para sa akin ’yun, kasi ’yun ang simula ng lahat. Du’n namin na feel na ito na nga. Legendary ang eksena na ’yun para gawin namin. Honor ’yun para sa amin,” sabi ng binata.

    Samantala, isa pa rin sa inaabangan sa PSY at love-team nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion na “Amorado.” Si Jodi ay gumaganap na Amor Powers samantalang si Ian naman ay si Gov. Eduardo Buenavista.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here