STA. MARIA, Bulacan—Walang karneng botya sa mga palengke ng Bulacan.
Ito ang naging pahayag ng mga opisyal sa lalawigan bilang muling pagtiyak na ligtas at malinis ang mga karne na ibinebenta sa mga pamilihang bayan sa lalawigan.
Kaugnay nito, tiniyak ng Kapitolyo ang maigiting na kampanya laban sa karneng botya sa pamamagitan ng pagbuo ng Provincial Veterinary Office (PVO) na hiwalay sa Provincial Agriculture Office (PAO) kung saan ito ay dating nakasailalim.
Bukod dito, tiniyak din ni Gob. Wilhelmino Alvarado na maitatayo sa taong ito ang unang animal diagnostic laboratory ng Bulacan na magigikng kasangkapan sa pagtukoy at paglaban sa mga sakit sa hayop.
Ayon kina Elvis Luciano, market master ng bayan ng Sta. Maria, Dr. Voltaire Basinang, hepe ng PVO, Norman Secillano ng Meycauayan at Mildred Saligan, direktor ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa Gitnang Luzon, walang karneng botya sa public market sa Bulacan.
Tiniyak nila na ang mga karne ng baboy na ibinebenta sa mga palengke ng Bulacan ay dumaan sa maususing inspeksyon mula sa matadero hanggang sa ito’y ibenta.
Hinggil naman sa operasyon ng mga slaughterhouse, sinabi ni Cecillano na regular ang kanilang isinagawang paglilinis gamit ang chlorine upang mapatay ang mga mikrobyong maaring makakontamina sa mga karneng pinoproseso sa kanilang pasilidad.
Samantala, ang bagong tayong PVO at pamumunuan ni Dr. Basinang na siya ring mamamahala sa itatayong animal diagnostic laboratory sa lalawigan.
Ayon kay Basinang, ang animal diagnostic laboratory ay makatutulong sa kanilang mabilisang operasyon, dahil agarang matutukoy nito kung ano ang mga bacteria na nagiging sanhi ng sakit ng mga hayop sa mga farm.
“Hindi na tayo maghihintay ngayon ng matagal bago kumilos dahil ang bagong laboratory mismo ang magiging kaagapay namin sa paglaban sa mga sakit sa hayop,” ani Basinang.
Inayunan din ito ni Gob. Alvarado na nagsabing ang pagtatayo ng animal diagnostic laboratory ay makakaagapay ng PVO sa pagsugpo sa mga sakit sa hayop.
Tiniyak pa ng punong lalawigan na magsisimula sa taong ito ang konstruksyon ng nasabing laboratoryo na noon pang 2007 ay hiniling na ng mga may-ari ng malalaking babuyan sa lalawigan na itayo.