Home Headlines Walang bagong kaso ng Covid-19 sa Bataan

Walang bagong kaso ng Covid-19 sa Bataan

1136
0
SHARE

Gov. Albert Garcia: Huwag pa ring maging kampante. FB photo/CTTO



LUNGSOD
NG BALANGA Walang bagong kumpirmadong kaso sa Bataan.

Ito ang masayang ibinalita ni Gov. Albert Garcia nitong Martes ukol sa kalagayan ng coronavirus disease sa lalawigan batay sa pinakahuling ulat ng provincial health office Lunes ng gabi.

Nanatili sa 3,651 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus na ang mga aktibong kaso ay bumaba ang bilang sa 77.

Ang mga nasawi sa Covid19 ay 78 pa rin.

Umakyat sa 3,496 ang mga nakarekober matapos magtala ng 10 bagong recoveries na ang apat ay mula sa Orani, tig-dalawa sa Balanga City at Morong, at tig-isa sa Limay at Mariveles.

Lubhang nakapagpapagaan ng kalooban ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19 sa ating lalawigan. Ang ibig sabihin lamang nito ay epektibo ang pakikiisa ng lahat sa pagsunod sa mga itinakdang patakaran at programa ng pamahalaan upang maiwasan ang hawahan sa mga pamayanan,” saad ng governor.

Gayunpaman, huwag  sana tayong maging kampante o magsawalang-bahala dahil ang banta ay nananatiling nakaumang pa rin,” dagdag pa ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here