Wala sa script

    851
    0
    SHARE

    NAGING makahulugan sana ang pagdiriwang ng ika-433 guning taong pagkakatatag ng Bulacan bilang isang lalawigan na isinagawa sa Capitol Gymansium noong Lunes, Agosto 15, maliban sa ilang bagay.

    Una, nakalimutang awitin ang “Lupang Hinirang”, ang pambansang awit ng Pilipinas sa pagsisimula ng  palatuntunan.

    Ayon kay Isagani Giron, ang chairman emeritus ng Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan (Sampaka), isinasaad ng Republic Act 8491 o “Act Prescribing the code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat –of-Arms, and other heraldic items and devices of the Philippines’ na dapat awitin ang “Lupang hinirang” tuwing Lunes kapag nagsagawa ng pagtataas ng pambansang watawat.

    Baka hindi nila nabasa ang probisyon ngnasabing batas sa Section 18 at 20. Narito ang nakasaad sa Section 18 ng RA 8491, “All government offices and educational institutions shall henceforth observe the flag-raising ceremony every Monday morning and the flag lowering ceremony every Friday afternoon.

    The ceremony shall be simple and dignified and shall include the playing or singing of the Philippine National Anthem.” Malinaw na malinaw ang isinasaad ng batas.

    Narito naman ang nakasaad sa Section 20 ng RA 8491, “The observance of the flag ceremony in official or civic gatherings shall be simple and dignified and shall include the playing or singing of the anthem in its original Filipino lyrics and march tempo.

    Malinaw din na sinasabi na “official or civic gatherings” ang pagsasagawa ng flag ceremony, at kasama ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Ayon sa kapitolyo, nakalimutan daw mga nagbuo ng programa ang pag-awit.

    Ito ay sa pamumuno ni Abogada Catherine Inocencio, ang deputy Provincial  Administrator at siyang tagapamahala sa mga special projects ng kapitolyo tulad ng pagdiriwang ng ika-433-guning taon ng pagkakatatag ng Bulacan bilang isang lalawigan.

    Baka daw napagod dahil noong sinundang araw ay marami ding tinapos na trabaho at proyekto kabilang na ang pamamahagi ng scholarship sa may 2,000 mag-aaral. Alas-8 na raw ng gabi noong Linggo nakauwi.

     Pero para sa mga emcee na sina Bokal Michael Fermin at Bokal Ayee Ople, simple lang ang problema.

    Wala daw sa script ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Pero nakatala iyon sa ipinamahagi nilang sipi ng palatuntunan noong araw na iyon. Ito ay hindi pambabatikos.

    Sa halip ay isang paalala sa mga naghahawak at nagpapatupad ng palatuntunan. Sana ay huwag ng maulit.

    Nakakahiya kasi. Isipin na lang ninyo, anibersaryo ng Bulacan bilang isang lalawigan, at inimbita pa ang Pangulo ng Senado ng Republika na nagmamalaki pa na siya ay Bulakenyo din.

    Eh, ano kaya ang impresyon ni Senador Juan Ponce Enrile sa mga Bulakenyo matapos masaksihan ang kapalpakan iyan?

    Baka isipin niya na sa Bulacan pala, kapag may pagdiriwang, hindi na umaawit ng Lupang Hinirang.

    Sana naman ay hindi. Bukod sa pagkukulang na ito, may ilan pang problema na napansinsi Ka Gani Giron. Isa rito ay ang pagsasagawa ng misa bago magsimula ang palatuntunan para sa pagdiriwang.

    Wala sanang problema. Pero hindi ecumenical ang misa. Sa halip, ito ay pinamunuan ng mga paring katoliko, samantalang, may mga nakaupo sa loob ng Capitol Gymnasium na mga kababayan nating Muslim, Iglesia ni Cristo at kasapi ng ibang

    relihiyon. Dapat maunawaan ng mga naghahawak ng palatuntunan ng kapitolyo ang pagiging sensitibo sa mga ganitong sitwasyon. Dahil sa hindi ngayon at hindi kumibo ang mga kasapi ng ibang relihiyon ay okey na.

    Ilan pang problema ay ang tatlong beses na pagkaantala ng palatuntunan kung kailan magsasagawa ng special number ang mga mangaawit at bandang Bulakenyo.

    Hindi nabigyan ng sapat na abiso ang mga magsasagawa ng special number. Wala din daw sa script. Maging sa paghahawi ng kurtina para sa paglulunsad ng programa para sa Singakaban Fiesta, naantala rin.

    Matagal na nabanggit ng emcee na hahawiin ang kurtina, pero hindi tinawag ang mga maghahawi kaya walang tumayo agad. Wala na naman daw sa script.

    Yaman din lamang na laging nawawala sa script angmga dapat gawin ng mga tao sentablado, dapat siguro at ipabusising mabuti ang mga script ng kapitolyo bago gamitin.

    Nakapagtataka, hindi naman sila mga artista, bakita kailangan nila ng script? Baka nangangarap din sila?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here