Kumandidato o kaya mag-relect
Bilang gobernador itong si Among Ed,
Kundi bagkus presidency na ang target
Ay inakala ng maraming sa ating
Mga kabalen ay di na po marahil
Mag-aagawan sa kung anong patsarming
Ang mga provincial officials po natin;
Pagkat kagaya niyang siya’y aalis na
At di na posibleng banta pa kumbaga,
Ano pa ang dapat nga pong ipangamba
Nitong sinong gustong pumalit sa kanya?
Natural lamang na paglisan ni Among
Ay bitbit pati ang Administrator;
(Na nagsilbi na ng mahigit isang taon
Pero di pa rin po ‘confirmed’ ang posisyon)
Kayo man ba itong lumagay sa lugar
Ni Gob Ed Panlilio ay di masasaktan
Kung ang pinili n’yong taong makatuwang
Ay di kilalanin sa puntong naturan?
Gayong bilang punong tagapagpaganap
Ay may karapatan kang pumili’t sukat
Ng kung sinong inaakala mong dapat
Kunin upang sa iyo’y maglingkod ng tapat?
Ipagpalagay nang nasa Sanggunian
Ang mandato upang ito’y ma-apruban,
Sana sa tagal ng pagkabimbin po n’yan
Ay nagawan n’yo na ng aksyong kailangan.
At huwag itong komo ang Chief Executive
Ay di kakampi o (mortal na kagalit?)
Iipitin na lang lagi itong nais
Nitong maging set-up ng sariling office.
Pagkat katulad nga ng ating nasabi,
Ay mayrun din kayong kani-kaniya ‘duty’
Na dapat harapin para sa marami
At di puro na lang bangayan parati!
Gaya nitong inapruban n’yo na pala
Ang budget hinggil sa napakatagal na
Isyu ng di ninyo pa kinukumpirma,
Na katungkulan ng Administradora;
Pero lumalabas, ayon na rin kay Guiao
Ang pera ay di naman intended daw
Para kay Ms. Dabu as Administrator!
(Eh, para kanino Coach ang perang iyon?)
Samantalang haya’t nagtrabaho naman
Si Atty. Dabu sa abot na kanyang
Makakaya kahit siya ay di pa man
Officially tanggap nitong Sanggunian?
At naging mahusay naman sa tungkulin
Ayon sa matamang obserbasyon natin;
At kahit medyo masungit po ang dating
Ay most qualified at tunay na deserving.
Kayo man marahil ang maging Governor
Ay di mo rin syempre ikatutuwa kung
Ang iyong mapipiling Administrador
Ay di kilalanin sa kanyang posisyon.
Nandiyan na yan ano’t di pa magkaisa
Para sa mabuting ugnayan sa tuwina,
Nang sa gayon naman ay medyo gumanda
Ang ihip ng hangin sa Capitol, di ba?