AT KAUGNAY nga n’yan, ang mahigpit bilin
ni ‘Nanay’ sa lahat, sakali’t sabihin
ninuman, na sila ay may dapat bilhin
na anumang bagay, eto’ng dapat gawin:
Isumbong kay ‘Nanay’ nang kaagad-agad
ng personal kahit ano pa mang oras,
at si Gov na rin ang siyang magpapatawag
sa kung sinong sa utos niya ay lumabag.
At harapan-harapan nitong sasabunin
kundi man tuluyan niyang tatanggalin,
kasi ang nais niya’y mga masunurin
at may malasakit sa takdang tungkulin.
Sapagkat ang bilin sa lahat ng staff ,
doctors, attendants at mga ‘on duty nurse’
lahat ng pasyenteng walang maibayad
para sa kailangang gamot bigyan agad
Dahilan na rin sa lahat ng ospital
dito sa Pampanga naglagak si ‘Nanay’
ng sapat na pera para sa kailangang
medisina’t iba pang pangangailangan.
Na higit kailanman ay ngayon lang natin
nakita’t personal na naramdaman din
ang malasakit ng gobyerno sa ating
mga kapos-palad na kulang sa pansin.
Maging sa iba pang serbisyong pambayan
ay maaasahan ang opis ni ‘Nanay,’
kasi una aniya sa lahat ng bagay
na dapat unahin – ang salat sa buhay.
Partkular na nga sa serbisyong dapat
ibigay ng ating mas nakatataas
na opisyal at ng sa lokal na antas
ng pamahalaan na kulang sa lingap.
Pero katulad ng una kong nasabi,
hindi sa ang iba’y ating binu-bully,
bukod tangi lang yatang si ‘Nanay Baby’
ang aktibo lagi sa ‘offi cial duty’.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos,
ay walang tigil sa kanyang paglilingkod
sa mga kabalen ang mabait na Gov,
na animo’y walang iniindang pagod.
Kung saan araw man ng pahinga minsan
gaya ng Sabado, Linggo at iba pang
‘holidays’ at/o kaya pista opisyal,
malimit ay nasa Capitol si ‘Nanay’
O nasa sa iba pang bayan ng Pampanga,
tulad ng palagi niyang pagbisita
sa mga barangay para tingnan niya
ang kalagayan ng karaniwang masa.
Kung saan sa lahat na ng dako halos
nitong lalawigan narating nang lubos
ng ating butihin at masipag na Gov
para lang madalaw ang lugar na sakop.
Ang hindi narating ng ibang pinuno
ng ating probinsya ay kusang tinungo
ni ‘Nanay Gov’ para lamang di mabigo
ang naisin pati riyan ng katutubo
Na makita siya ‘in person’ ika nga
at mabahaginan din ng pagpapala,
na galing sa minang bigay ni Bathala
sa lahat upang ang Balen managana.
Iyan ba’y nagawa na kaya ng iba
na katulad nitong ngayon ay laos na?
(Sa tinatawag na serbisyong pangmasa,
kay ‘Nanay Gov’ wala nang hahanapin pa!)