Wala nang bisa kay Marian Rivera ang mga intriga

    466
    0
    SHARE
    Hindi na apektado si Marian Rivera kapag binabato ng mga intriga.

    Nasanay na si Darna, kaya tinatawanan at dedma na lang ang beauty niya sa mga taong walang magawa kundi intrigahin at siraan siya.

    “Hayaan na lang po natin sila. Wala naman akong dapat ipaliwanag sa isyung ikinakabit  nila sa akin,” say ni Marian.

    Bakit daw siya magpapaliwanag sa isyung siya ang dahilan kaya nawala si Mark Anthony Fernandez sa Darna  at sa tsikang tinatawanan daw niya ang aktor kapag nabubulol ito sa eksena nila sa nangungunang teleserye ng GMA7?

    “Matagal na pong gusto munang magpahinga ni Mark Anthony. Gusto kasi niyang paghandaan ang susunod niyang project na ayon na rin mismo sa kanya ay mahirap na role. Kailangan  nang matinding preparasyon kaya nagdesisyon siya na ipapatay na ang role niya sa Darna.

    “Sa isyung tinatawanan ko raw siya. Walang katotohanan ‘yan. Ang problema kay Mark Anthony ay palabiro ‘yan at mahilig magpatawa. Kaya madalas na tumatawa ako kapag nag-uusap kami.

    “Sa isyung nagmaldita naman daw ako. Sila na rin pong taga-Japan ang nagpatunay na walang katotohanan ‘yung lumabas  na nagmaldita raw ako sa isang fan. Kaya wala na akong dapat ipaliwanag dahil ‘di naman totoo ‘yun.

    “Lalong walang katotohanan naman ‘yung ayaw ko raw magpahalik kay Mark Anthony kaya nagalit sa akin, samantalang si Dennis (Trillo) na kapa-pasok lang ay may kissing scene na kaagad kami. ‘Di ba naghalikan na kami ni Mark Anthony at wala naman kaming kissing scene ni Dennis sa Darna?”

    Ano naman ang Christmas gift ni Marian  kay Dingdong?

    “Hindi ko nga alam kung ano ang iriregalo ko sa kanya. Kasi naman nasa kanya  na lahat.  Kaya ‘love’ na lang ang iriregalo ko sa kanya ngayong Pasko,” nakangi-ting sabi ni Marian.

    Hindi rin muna matutuloy ang pagpunta ni Marian para bsiitahin ang ama dahil super-busy siya ngayon, pero sinisiguro niyang magkakapanahon siya at isasama niya si Dingdong.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here