Wala kang utang na loob, Sharon Cuneta

    391
    0
    SHARE

    Nakatanggap ang isang lady scribe na aming friend ng e-mail na ipinagtatanggol ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa laban kay Sharon Cuneta.

    Mukhang galing ito sa kampo ng mag-asawa at hindi sa basta-basta lang basher, dahil nag-flashback pa ang nagpadala kung paano nagsimula sa showbiz ang Megastar sa tulong ng showbiz couple.

    Narito ang nilalaman ng e-email: “Sino ba ang nakalimot? Who discovered Sharon Cuneta??

    “Sina Sen. Tito Sotto lang naman na dating vice president ng Vicor Music Corp. and nag-produce ng first hit ni Mega na Mr. DJ. Kahit ang unang recording ni Mega na Tawag ng Pag-ibig ay naging flop at hindi pinansin ng mga recording companies noong mga panahong iyon.       

    “Kung tutuusin, walang Shawie kung walang nagtiyaga sa kanya. Sa hidwaan nina Sharon at Ms. Helen Gamboa palaging lumalabas na malaki ang utang na loob ni Tito Sen kay Mega pero ang katotohanan ay si Ate Shawie ang dapat tumanaw ng utang na loob sa taong tumulong na maipasok siya sa industriya.

    “Sino ba ang nakakalimot? Mega, wag mong kalimutan ang kasabihang ‘Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.’

    “Mula pumasok sa pulitika si Tito Sen, minsan lang pala tumulong at nag-endorse si Mega. Nakakahiya mang sabihin pero Sharon cannot take credit to the political career of Sen. Sotto just with one commercial.

    “Sana naman hindi umakyat sa ulo ng Mega ang kanyang popularidad. Unti-unti na kasing lumalabas ang mga nega word kay Ate Shawie. Ang dami na niyang nakaaway na wala naman talagang katuturan kung tutuusin.

    “Stay humble, kasi maraming tumitingala sa iyo. Alalahanin mo ang mga taong tumulong sa iyo along the way.”

    Well, kung nais mag-react ni Sharon at idepensa ang sarili, bukas ang aming kolum.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here