Home Headlines Visita Iglesia mula sa ibang bayan nagsimula na sa mga simbahan sa...

Visita Iglesia mula sa ibang bayan nagsimula na sa mga simbahan sa Bataan

1074
0
SHARE

ABUCAY, Bataan: Nagsimula na nitong Sabado ang Visita Iglesia sa pitong pilgrim churches sa Bataan ng mga taong  galing pa sa iba’t ibang lugar sa bansa matapos magsisimula ang kwaresma noong Ash Wednesday. 

Lulan ng malalaking bus at van ang mahigit 350 kasapi ng Sto. Niño de Taguig parish mula sa Lungsod ng Taguig, Metro Manila na bumaba sa Santo Domingo Church sa bayan ng Abucay matapos bisitahin ang iba pang mga lumang simbahan sa Bataan.

Ang Abucay Church ang pinakamatandang simbahang itinayo ng mga paring Dominican sa lalawigan may 434 taon na ang nakakalipas. 

Sa isang parte sa loob ng Abucay Church, may bahagi ng labi ni Sto. Domingo de Guzman ang hindi nakakaligtaang dalawin ng mga bisita. May mga panindang pasalubong din ang mabibibili sa isang panig sa labas ng simbahan.

Sinabi nina Marilyn Carpio at Lolit Roldan na lumalabas ng simbahan na  mula sila sa Taguig at first time nila sa Bataan sa kanilang “Lakbay-Dalangin”. 

“Napili namin ang Bataan na bisitahin dahil maraming historical church  at mga sinaunang simbahan dito,” sabi ng dalawa. 

Bago ang Abucay ay dumaan muna ang mga taga-Taguig sa mga simbahan sa Hermosa, Orani at Samal. Pagkatapos ng Abucay ay sa Balanga City, Pilar at Orion naman ang tuloy nila.  

Idineklara ni Bishop Ruperto C. Santos na pilgrim churches ang Sto. Domingo Church (Abucay), 266-taong Saint Peter de Varona Church sa Hermosa, 312-taong Virgen Milagrosa del Rosario Church sa Orani, 426-taong St. Catherine of Siena Church sa Samal.

Ganoon din ang  308-taong Saint Joseph Cathedral sa Balanga City, 222-taong Virgen Milagrosa del Pilar Church  sa Pilar  at 355-taong St. Michael de Arcangel Church sa Orion.

Libo-libong tao mula sa iba-ibang panig ng bansa ang bumibisita sa pitong simbahan sa panahon ng Mahal na Araw. Dalawang taong pansamantalang natigil ang mga pilgrimage sa mga simbahan dahil sa pandemya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here