(Ang vintage bomb na nahukay sa isang construction site sa Mariveles, Bataan. Kuha ni Johnny R. Reblando)
MARIBELES, Bataan – Isang vintage bombing nahukay sa isang construction site sa Sitio Lusong, Barangay Biaan sa bayang ito.
Nahukay ng payloader ang bomba sa SMC Power Plant construction site ng San Miguel Corp. Ito ay may habang 4 feet at may bilog na 1 foot at tumitimbang ng 1,000 pounds.
Ayon sa ulat ng EOD Bomb Squad Bataan, ang bomba ay isang uri ng vintage unexploded explosive ordnance (UXO).
Batay sa pagaaral ng EOD may posibilidad pa itong pumutok kahit na luma na ito.
Ang bomba ay nasa pag-iingat na ngayon ng Arsenal sa Limay, Bataan.