Vilma Santos kinoronahan ng mga Muslim

    419
    0
    SHARE
    Isa na namang bagong karangalan ang tinanggap ng Star for All Seasons at outgoing Batangas Governor Vilma Santos-Recto nang siya’y putungan ng korona bilang Queen of Province, Holder of Authority ng Royal Highness Sultan Faizal Coyogan Bananing Bansao of Royal House of Sultanate of Batangas na ginanap sa Lima Park ng Lipa City, Batangas noong nakaraang Sabado, September 26. Ito’y dinaluhan ng mahigit 3,000 Muslims na pinangunahan ng ilang lider mula sa Brunei at Malaysia.

    Gov. Vi wore a Royal blue Muslim dress na bumagay sa kanya na animo’y isa siyang tunay na Muslim Queen.

    Hindi man nakatapagtapos ng kanyang pag-aaral si Gov. Vi, napatunayan niya in her almost 18 years in the public service na dedikasyon at commitment ang pinakamahalaga sa lahat.

    Pinasalamatan ni Gov. Vi ang Muslim community in Batangas dahil sa ipinakita nilang suporta sa kanyang pamamahala una bilang mayor ng Lipa City sa loob ng siyam na taon at ngayon sa kanyang ikasiyam na taon bilang gobernador ng Batangas Province.

    Kung hindi kami nagkakamali, si Gov. Vi ang kauna-unahang non-Muslim local political leader na ginawaran ng ganitong kataas ng pagkilala ng isang sectoral Muslim community, isang napakalaking karangalan para sa misis ni Sen. Ralph Recto at ina nina Luis at Ryan Christian.

    Speaking of Gov. Vi, kasalukuyan nitong tinatapos ang kanyang bagong movie under Star Cinema na pinagsasamahan nila nina Angel Locsin at Xiam Lim mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here