Videoke, ipagbabawal na?

    13229
    0
    SHARE
    Tama lang at sadyang panahon na upang
    tularan ng lahat itong kagaya riyan
    nitong ordinansang kapapasa pa lang
    ng ‘city council’ ng Angeles, kabayan

    Regulating the use of audio devices,
    gaya ng karaoke, videoke component
    in certain areas within the city limit,
    residential, private and/or public places

    And other restricted zones as defined by law
    in an Ordinance sponsored by Councilor
    Ed Pamintuan Jr. to ease residents from
    unregulated use of some amplified sounds,

    Lalo na sa mga alanganing oras,
    gaya kung umaga at ubod ng lakas
    ang pagpapatugtog, yan sa taong puyat
    ay natural lamang na nakababanas.

    Ganun di naman kung ika nga’y malalim
    na ang gabi pero di pa tumitigil
    ang nagkakantahan, gamit ang nasabing
    Videoke o ano mang amplified machine,

    At boses palaka itong kumakanta,
    yan kahit kanino ay natural din na
    nakakairita’t masakit sa taynga,
    kaya ikaw man bang ya’y makatulog ka?

    Na apektado ng boses na nasabi
    at sobrang lakas ng tunog ng Videoke,
    Sanhi ng kung anong ginanap na party,
    na umabot hanggang lampas alas dose?

    Kaya nararapat na ngang ipagbawal
    kung sa ibang tao ay bale wala lang
    na mabulabog sa dulot nilang ingay
    ang halos lahat ng mga kapit bahay!

    The ordinance states that it’s the policy
    of the government of Angeles city
    to protect the welfare of its citizenry
    from discomfort lalo’t disoras ng gabi

    Kaya nga’t sanhi ng malakas na tunog
    at sobrang ingay r’yan na idinudulot
    ng mga nasabing klaseng instrumentos,
    umabot sa puntong ipinag-uutos

    Ng ordinansyang yan na kumuha muna
    ng permiso mula sa barangay nila,
    Itong sino pa mang gustong umarkila
    ng ‘Sounds,’at kahit na sariling kanila

    Para sa anumang uri ng okasyon
    ay dapat masunod ang mga kondisyon
    na nasusulat at kung saan ang ‘volume’
    ng pagpapatugtog mababasa roon;

    Nangangahulugang anumang paglabag
    sa ordinansyang yan, ‘warning’ muna dapat
    O ang permiso n’yan kanselado agad
    kapag sa ‘restriction’ ay di nakatupad?

    But since there’s an exception in every rule,
    Ano ang posibleng mangyari kaya kung
    ang lumabag mismo ay taga ‘city hall’
    o dili kaya ay isang ‘untouchable?’

    Palagay natin ay di kukunsintihin
    ng sinumang miyembro r’yan ng city council,
    Sapagkat base sa nakikita natin,
    bago ang lahat ay una ang tungkulin.

    Na di nalalayo sa klaseng serbisyo
    ng butihing ama ni konsehal mismo,
    Mabait ngunit may kakaibang prinsipyo,
    pagdating sa palingkurang pang-gobyerno

    Kaya naman siya ang maituturing
    na ‘multi-awarded’ sa lahat ng ating
    naging city mayor sa Angeles pa rin
    ng kahapon, ngayon, araw pang darating!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here