Vice Ganda, Ai Ai Delas Alas magkaibigan na nga ba?

    360
    0
    SHARE

    WALANG halong kaplastikan ang pagbabati nina Vice Ganda at Ai-Ai de las Alas na magkasama sa MMFF entry ng Star Cinema, Viva at dalawa sa mga bida sa Sisterakas.

    Mas madalas nga raw silang mag-usap ni Vice dahil ang kakilala ng komedyante ay kakilala rin ng “babe” niyang si Jed Salang.

    “Alam ninyo na ’yon, ’di ba? May same denominator kami. Parati kaming nagchichikahan! Siyempre naman, ayoko namang sabihing mabait ako. Pero nakikisama. Binibili ko siya ng mani. Gusto niya ’yon, eh.

    “So, ganoon. Chika kami nang chika. Love, love, sabi nga ni Friendship (Kris Aquino). Maganda ’yon para sa movie, para lahat kami, positive,” pahayag ni Ai-Ai sa presscon.

    So, may nabuo nang friendship sa kanila ni Vice?

    “Oo, kahit paano. Kaparehong FEU kami. Barkada ko ’yung kapatid niya nu’ng high school kami.

    Magkabarkada kami talaga. Nakarating na ako sa bahay nila. Nakita ko nanay niya, nakita ko ang tatay niya.

    So, ’yun ang iniisip ko ngayon para ma-love ko siya kasi ’yung kapatid niya is friend ko,” katwiran ng komedyana sa bagong kaibigan.

    ’Yung “babe” niya, kakilala ang “babe” ni Vice?

    “Magkakilala! Hindi ako nagsasalita kung sino, huh!” tugon niya.

    Eh, si Vice, kumusta naman ang pakikipagtrabaho kay Ai-Ai?

    “Masaya! Masaya kami! Ini-spoil niya ako sa mani bilang addict ako sa Nagaraya. Hahaha! Sabi niya, may i-introduce sa aking bagong brand ng mani. Kaya hayun.

    “Marami kaming napagchichikahan araw-araw. Si Kris nga, selos-selos ’yan. ‘Bakit laging kayong dalawa ang nagkukuwentuhan?’ Siyempre, hindi maka-relate si Kris kasi tapos na siya sa basketball player, hahaha!” balita naman ni Vice.

    “Alam ninyo, sobrang magic! ’Pag tinatanong kung paano namin na-break ang ice… Kung walang brineyk na ice… Kasi sa Showtime pa lang, nabigla kami. Hindi kami sinabihan. Ako kasi hindi ako sinasabihan na magtatagpo kami. Siya rin pala, hindi.

    “Nu’ng una, na-off ako. Hindi man lang nila sinabi na magtatagpo kami ni Miss Ai. Hindi man lang ako nakapag-prepare. Paano kung awkward ’yung moment, eh, makikita kami sa TV?

    “Nagkita kami sa backstage nang biglaan. Nagchikahan kami agad. Tapos, dire-diretso na.

    Nagkita kami sa birthday party ni Direk Wenn (Deramas). Shooting na. Parang wala kaming pinagdaanan.

    Okey na okey agad,” rason ni Vice.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here