May initial na VP, first letters ng pangalan ng mga ikakasal at tama ang description ng followers ni Paulen, “simple” and “elegant” ang wedding invites na matatanggap ng family at close friends nina Vic at Pauleen.
In fairness, puro positive ang comments sa pinost ni Pauleen at lahat nang nag-comment ay masaya para sa kanila ni Vic. Maingat si Pauleen na hindi banggitin ang petsa ng kasal nila ni Vic dahil kung nagkataon, susugod ang maraming tao.
Sa January 2016, ang wedding nina Pauleen at Vic, ’yun ang big event sa buhay ni Vic after ng showing ng MMFF entry nila nina Ai-Ai delas Alas na My Bebe Love.
Kasama sa promo ng movie ang pagpasok ni Vic sa Kalye-serye ng Eat Bulaga bilang si Dodong Smash na ama ni Yaya Dub.