Venggatibo nga ba si P-Noy?

    894
    0
    SHARE

    Ang patutsada kay Chief Justice Corona
    Ni P-Noy hinggil sa pagka-‘appoint’ niya
    Kay dating Pangulo’t ngayo’y Kongresista
    Ng 2nd District ng sikat na probinsya

    At sanhi na rin ng kung anong Komisyon
    Na ibinalangkas ng Administrasyon
    Para magsiyasat at posibleng matukoy
    Ang katotohanan at maipakulong

    Ng Malakanyang si Ex-President Gloria
    Kung mapatunayang nagkasala siya,
    Pero inilaglag ng Korte Suprema
    Sa puntong tila ‘unconstitutional’ ba?

    Ay di marahil ang dahilan kung bakit
    ‘Mr. Aquino’s ire came to a boiling point’,
    Kundi bagkus baka ang ikinainis
    Ay ang desisyon ng ‘highest court of justice’

    Na kung saan ‘if I may interpret it right,
    It’s the ruling of the SC on their estate
    That made Aquino boiled since it’s a much cared wealth
    Of his well-to-do clan for many, many years
     
    Na pumapabor sa mga manggagawa
    Ng Luisita Estate upang kaipala
    Ay mapasakamay na n’yan ang biyaya
    Na noon pa dapat ibinigay kusa.

    (Ng mga Aquino’t pamilya Cojuangco,
    Na babayaran naman ng ating gobyerno
    Base sa halagang itinakda nito
    Kung kaya’t sila ay di mapeperwisyo).

    Pero ng dahil sa lubhang napamahal
    Na nga sa pamilyang ito ang lupang yan,
    Anhin na lang yata ay hindi mabawasan
    Kahit gapalad ang ‘estate’ na naturan.

    Yan ang malinaw na aming nakikita
    Hinggil sa isyu ng Hacienda Luisita,
    Na di lamang tatlo o limang dekada
    Ng di pagkasundo’t malubhang problema

    Ng agrario at ‘peasant unrest’ sa Luzon
    Mula pa marahil nang panahong Hapon,
    Hangga nitong Supreme Court na ang humatol
    Na ya’y naa-ayon sa Agrarian Reform.

    At ipamahagi na itong Hacienda,
    Na ‘more or less’ anim na libong hektarya
    Ng lupang taniman ng tubo’t ipa pa,
    Sa mahigit anim na libong ‘workers’ nila.

    Matatandaang ang ‘stock distribution’
    Na unang ‘option’ sa ilalim po noon
    Ng CARP, na ‘promulgated’ pa ng Pangulong
    Corazon Aquino, di naipagpatuloy

    Since during the Arroyo administration
    Said option was revoked for the distribution
    Of the more than 5,000 hectare estate owned,
    After workers staged strikes in 2004.

    Kung saan ang daing nila’y wala namang
    Buting idinulot sa pamumuhay n’yan
    Ang nasabing ‘option’ kundi ng lalo pang
    Pagkabaon lang daw sa hirap at utang.

    Sa madaling sabi, humigit-kumulang
    Yan ang nakikita po nating dahilan
    Kung bakit ang ngayo’y nasa Malakanyang
    Ay posibleng inis sa ‘highest tribunal’

    At di lang sa ating naturang Chief Justice
    Si PNoy may tampo kundi man ng galit,
    Kaya anhin na lang niya ay mag’submit’
    Ng ‘resignation’ ang sinumang ‘appointees’

    Ng dating Pangulo upang ya’y tuluyang
    Humina at wala na ring maasahang,
    Tulong o anumang pangkalmante man lang
    Na puedeng i-’grant’ ng kinauukulan?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here