Vehnee Saturno Music Training Center nakakasa na

    305
    0
    SHARE

    At least, di talaga trying hard ang promo ng bagong music traning center na itinayo nina Vehnee Saturno at ng partner niya si Ladine Roxas. Ladine use to be in the mainstream bilang isang magaling na singer na co-host sa program ni Kuya Germs.

    It is only now, we came to know na alaga pala siya noon pa man ni Vehnee, the reason why they are business partners now. If there is something more in their relationship, we are not touching on it at this point.

    Like we say, ang ganda ng dating ng promo nila. They invited their friends, from musicians to executives at press para salihan ang blessing ng kanilang bagong lugar na nasa  Brixton Hill cor, Palanza sa Barangay Santol, Quezon City.

    Tama yung description ng dalawa sa kanilang lugar, spacious, kumpleto sa facilities para sa mga nagte-training sa nasabing institution.

    Yes, may mga trainees ang dalawa na pawang mga magagaling kumanta. Nag-sample ang mga trainees nila at talaga naming nakamamangha na sobrang galing nila.

    “Exactly, we would like to discover talents kaya kami nagpusrige,” sabi nina Vehnee at Ladine sa amin.

    Itong mga batang tinuturuan namin, are prospective big names at ang aming responsibilidad ay i-train sila nang tamang discipline,” sabi pa ni Ladine.

    And yes, sa galling nga ng kanilang mga estudyante, may balak silang isali ang mga ito sa mga artista searches ng ibang networks. “Sayang naman, palaban talaga sila!”

    Bukod nga pala sa mga training, ino-offer din nila’ng kanilang mga facilities para sa sino mang gustong gumamit. Puwede raw silang magpa-recording, magpa-rehearse at iba pang serbisyo.

    Competitive raw sila sa presyuhan at di patatalo sa mga andiyan na in the same industry.

    “We would like to be in the industry, sana tulungan n’yo kaming i-promote ang aming lugar,” sabi pa nina Vehnee at Ladine.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here