Valerie Concepcion karibal ni Isabel Oli kay Dondon Hontiveros

    398
    0
    SHARE
    Very open na noon pa man si Valerie Concepcion tungkol sa tunay na relasyon nito kay Dondon Hontiveros. Although, hindi namand maderetso ni Valerie na officially on na sila ng basktbolista, puwede nang mag-read-between-the-lines na matagal nang sila.

    In fact di naman ikinakaila ni Valerie na halos araw-araw, kasama niya’ng basketeer at medyo boto nga ang kanyang nanay dito. Pati nga raw yung anak niya ay parang tatay na rin ang turing kay Dondon.”I really enjoy his company and I’m glad that my family likes him also. May anak din siya pero hindi rin siya kasal dun sa mother so legally, he’s free.”

    Pero ayaw ngang umamin si Valerie na talagang sila na at sinagot na niya ito.

    “Ayokong pangunahan at hindi rin ako ang type na mangungulit. As of now, we just enjoy each other’s company. I don’t want to force anything, baka ma-jinx lang.”

    Pero tila may pampagulo nga sa naiibang relasyon nina Dondon at Valerie. Sumisingit kasi sa isyu si Isabel Oli and in fact my tsismis na he even followed Isabel when she had a vacation in Boracay and she and Isabel are now fighting over the cager? “Close kaming tatlo as friends. Barkada kami. Dondon and Isabel  are both from Cebu and they go to the same church. Si Isabel naman, nakasama ko noon sa isang soap when I was still with GMA-7 kaya friend ko rin talaga siya.”

    So Dondon is not wooing Isabel as reported? “As far as I know, hindi totoo ‘yun. After that Boracay thing came out, tumawag sa’kin si Isabel at humihingi ng pasensiya. Sabi ko naman, okay lang ‘yun. Alam nyo naman sa showbiz, lahat, ginagawan ng intriga, di ba? Pero niloko ko pa nga siya. Sabi ko, kung gusto mo talaga siya, sa iyo na siya. Tapos nagtawanan kami.”
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here