Valerie C tsugi sa Banana Split

    402
    0
    SHARE
    Tatlong sexy ang tinanggal sa Bana Split. Ito ay sina Roxanne Guinoo , Diane something at Valerie Concepcion. Lahat sila ay may kanya-kanyang kuwento kung bakit natsugi sila.

    Di umano ay nagbawas ng TF sa cast ng Banana Split dahil nga papasok ang tatlong taga-Parekoy na sina John, Zanjoe at Jason. Hindi raw type ng manager ni Valerie na si Becky Aguila ang pagbabawas ng TF sa alaga nito kaya ipinul-out na lang nito si Val. Marami tuloy ang nanghihinayang, kasi ba-gay na bagay sa gag show si Val dahil natural itong komedyante at masayahin.

    “Wala akong alam tungkol sa TF-TF na ‘yan. Mabuti pa si Tita Becky na lang ang tanungin ninyo pagbalik nila ni Angel (Locsin) mula sa Korea. Ako naman, puwede ako sa lahat ng klase ng show basta may trabaho,” nakangiting tugon ni Val.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here