Ang McDonald’s ang kauna-unahang multi-national company na kumuha sa serbisyo nina Alden at Maine at sumunod dito ang Talk `N Text ng Smart. Labas na rin ang TVC na pinagsasamahan nina Yaya Dub at Lola Nidora para sa O + US Smart phone at naka-line-up ang iba pang product endorsements ng AlDub both individually at magkasama.
Samantala, mukhang magkakaroon na ng katuparan ang wish ng marami na mapanood sa Big Dome ang pinakamainit na love team ngayon, ang AlDub dahil isa umano ito sa kinu-consider ngayon ng mga tao behind “Eat Bulaga”.
Malayo pa man ang Disyembre para sa taunang Metro Manila Film Festival ay tiyak na ang panalo sa takilya ng “My Bebe Luv (#KiligPaMore)” na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas kasama ang AlDub loveteam.
May inihahanda na ring movie para sa AlDub na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bida na nakatakda umanong ipalabas in February next year.
Sa totoo lang, sa sobrang kasikatan ngayon nina Alden at Maine, tiyak na kaya nilang punuin ang 55,000 seater na Philippine Arena na pag-aari ng Iglesia ni Cristo.
Dahil sa AlDub, bawas umano ang krimen sa buong Pilipinas pagdating ng “Eat Bulaga” dahil inaabangan ng lahat ang paglabas ng AlDub sa tinututukang kalyeserye na tinatampukan din nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros).