Valenciano family natakot sa mga Duterte supporters

    517
    0
    SHARE
    Pinatunayan ni Paolo Valenciano ang pagiging “kuya” ng pamilya nang ipagtanggol niya ang nakababatang kapatid na si Gab Valenciano sa bashers and haters nito dahil sa pagsasabi ng opinyon against Davao City Mayor and presidentiable for 2016 elections na si Rodrigo Duterte.

    Matatandaang noong Dec. 6 ay nag-post si Gab sa kanyang Facebook account ng kanyang strong opinion kay Duterte kung saan ay naging very vocal ito sa pagtuligsa sa nasabing politiko.

    Bunsod nito ay umani ng katakut-takot na panlalait at pamba-bash si Gab mula sa netizens na siyempre, karamihan ay mga supporter ni Duterte.

    Kaya naman to the rescue si Paolo at nag-post din siya ng pagtatanggol kay Gab sa Twitter.

    Sa repeat concert ni Gary Valenciano na Gary V. Presents sa Resorts World last Tuesday ay nakausap namin si Paolo at aniya, sobra naman daw kasi ang response ng mga tao sa post ni Gab kaya talagang hindi na siya nakatiis and stood up for his brother.

    “The backlash is very bad. And even ’yung mga supporter ni Duterte, parang pinagsasabihan din sila na sobra naman. Sinasabi kasi nila na ’pag pumunta siya (Gab) sa Davao, babarilin daw siya, tapos, parang ’yung isa, sabi, sana raw ma-rape ’yung asawa ni Gab para raw ma-appreciate niya ’yung gustong mangyari ni Duterte,” sabi ni Pao.

    “So I had to say something and even though I didn’t agree to everything that he said, siyempre, he’s my family, eh, before anything, kailangan kong i-defend ’yung pamilya ko, whether or not he’s right or he’s wrong, kung sobra naman ’yung response, kung bastos naman talaga ’yung mga tao, kailangan ko talagang ipagtanggol,” dagdag pa ni Paolo.

    Naapektuhan na rin ba ang buong pamilya nila dahil dito?

    “We don’t talk about it so much, but I know they are affected. Only ’coz maraming bastos na response. Alam mo ’yung pinagmumumura kami, tapos ’pag tiningnan namin ’yung account nila, from Manila, from Bicol, mga ganu’n.

    “So, we can’t generalize naman na lahat, taga-Davao, and I think, that was one of my mistakes na online sinabi ko na some Davaoeños, nagalit sila agad sa akin, pinagmumura rin ako kasi sabi nila nag-generalize daw ako na just because supporters ni Duterte, automatically taga-Davao. So right now, I’m very careful with what I’m saying.

    “I’m not generalizing. Pero like I said to the people online, it doesn’t matter who you for, whether for Mar (Roxas), Duterte, Binay, kung mali ka, mali ka. Kung bastos ka, bastos ka.

    “And they shouldn’t be defensive na ganu’n. Kasi mayroon din namang supporters si Mar na bastos din, meron din si Binay na supporters na ganu’n din.

    “It’s not tulad ng sinabi ng bashers namin na pinag-iinitan daw namin si Duterte which is not the case. I even said that I kind of like him (sa Twitter),” pahayag pa ng panganay na anak ni Gary V. Aminado rin si Pao na natakot siya sa death threats na natanggap nila.

    “Although marami ang nagsasabi na empty threats lang ’yun, nakakatakot pa rin to walk around in public kasi hindi mo alam kung sino ‘yung nagtu-tweeet ng ganu’n, eh. Kah it sabihin mong empty threats siya, hindi mo alam talaga, baka bigla akong sampalin, suntukin or basagin ’yung window ng kotse ko or something.

    “’Yon ‘yung nakakatakot. And because nga of so many supporters, it is a little scary. And when I saw the response, those threats to him, I was afraid for my brother.”

    Pero siyempre, dahil nasa Los Angeles si Gab at sila ang nandito, sila ang mas maapektuhan ng mga death threats.

    “So, I texted his wife na baka puwedeng for our sake, just let it cool down first. It is not a very safe time. We’re not immune from everything that’s going on right now,” say ni Pao.

    Baka raw kasi dahil nasa US si Gab, hindi nito alam kung gaano na kalaki ang issue.

    Samantala, bago natapos ang show ni Gary ay nagpahayag din si Mr. Pure Energy ng suporta sa pangalawang anak. Nagpasalamat din siya kay Paolo sa pagtatanggol sa kapatid.

    Ang Gary V Presents repeat concert ang last concert for the year ni Gary and we must say, talagang tinapos niya ang taon with a big bang. Ang ganda ng show at sobrang nag-enjoy kami.

    Isa sa most-applauded numbers ang showdown nila ni Mitoy Yonting ng classic hit ni Gary na Natutulog Pa Ang Diyos na talaga namang biritan kung biritan.

    In fairness to Gary, wala pa rin siyang kupas at talagang nakasabay sa taas ng boses ng The Voice of the Philippines Season 1 grand winner.

    Ang gagaling din ng iba pa niyang guests na personal choice mismo ni Gary tulad nina Bullet Dumas, Carla Guevarra-Laforteza, Janice Javier, Jimmy Marquez, Katrina Velarde, Lara Maigue, Maki Ricafort, Monique Lualhati, Timmy Pavino and RJ dela Fuente.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here