Home Headlines Utang sa kuryente ng munisipyo ng San Simon umabot ng P7...

Utang sa kuryente ng munisipyo ng San Simon umabot ng P7 milyon

149
0
SHARE

1.
Ang utang sa kuryente ng munisipyo ng SAN SIMON
diumano’y umabot na ng halagang PITONG MILYON
mula raw 2021 hanggang sa panahon ngayon
ay hindi binabayaran kaya ito ay naipon
ito’y ayon sa pahayag nitong INCUMBENT VICE MAYOR
na si ROMANOEL SANTOS na ngayon ay oposisyon
2.
Ngunit ito ay sinagot agad ng kabilang panig
sa pamamagitan nitong si misis BELLA MANLAPIG
dahil si mayor PUNSALAN ay tila ba iniiipit
sa utang ng munisipyong pitong milyon na mahigit
pati si dating mayora LEONORA WONG ay nabanggit
sa ginawa nilang utang pangalan ay NADADAWIT
3.
Ang utang daw sa kuryente ayon pa kay MADAM BELLA
taong TWENTY ELEVEN daw nang ito ay mag-umpisa
samantalang nang matapos ang tatlong term ni MAYORA
ONE HUNDRED SIXTY FIVE MILLION ang perang iniwanan niya
na kung ating susuriin ang pondo ay SOBRA-SOBRA
upang bayaran ang PELCO sa pagkakautang nila
4.
Kung nagsimula ang utang sa taong TWENTY TWENTY ONE
bakit hanggang sa panahon ngayo’y di pa NABAYARAN
hindi ba’t ang vice mayor at ang alkalde nitong bayan?
ay dating magka-alyado sa KONSEHO MUNICIPAL?
ngunit ngayon ang dalawa sa twina’y NAGBABANGAYAN
kung sino ang pabaya at mayroong PANANAGUTAN
5.
Bakit hindi na lang sila gumawa ng RESOLUTION
upang itong suliranin ay mabigyan ng SULUSYON
di ba’t si DADING SANTOS ay naupo na bilang mayor
nang si ABUNDIO PUNSALAN ay patawan ng SUSPENSION
subalit hindi rin naman daw KUMILOS at UMAKSIYON
ayon na rin sa komento ng mga taga SAN SIMON
6.
Ngayon ay nagtuturuan kung sino ang RESPONSABLE
at ang dapat managot sa naging utang sa KURYENTE
kahit na magkatunggali ang VICE MAYOR at ALKALDE
ay dapat lang magtulungan wag na munang MAG-INARTE
kung laging nagbabanatan ang IRINGAN ay TITINDE
sa kanilang relasyon ay hindi na MAGKAKAIGE
7.
Bakit hindi pag-usapan ng maayos ang problema
kung paano sulusyunan nang hindi na lumala pa
tigilan na ang BANGAYAN at ang mga PATUTSADA
di na kayo mga BATA kayo ay MATATANDA na
malayo pa ang HALALAN kayo muna’y MAGKAISA
suliranin sa kuryente upang inyong MARESOLBA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here