Utang ng City Hall ang pamana kay Edpam ni Blueboy?

    482
    0
    SHARE
    Kung ‘millions of pesos’ ang iniwang utang
    Ng ‘outgoing mayor’ kay Ed Pamintuan,
    Nangangahulugan na ang pinalitan
    Ay naging bulagsak sa pera ng bayan

    O kumbaga sa isang ama ng tahanan
    Ay baka may bisyong di dapat tularan
    Kung kaya nabaon sa pagkaka-utang
    Ang dati ay sagana sa kabuhayan?

    Di ko sinasabing di naging mabuti
    Ang pamalakad ng butihing Alkalde,
    Pero di malayong mali ang diskarte
    Ng ex-mayor kaya ganyan ang nangyari.

    ‘Allocated’ na ang lahat ng bayarin
    Ng city hall para sa isang ‘fiscal year,’
    Kasama r’yan pati na ang ‘electric bill’
    At iba pa nitong legal na gastusin;

    Gaya ng para sa serbisyo publiko,
    Partikular na ang sahod ng empleado;
    Kaya’t papaanong nagkautang ito
    Ng ‘millions’ gayong may ‘budget’ para rito?

    At di lamang yata utang sa kuryente
    Itong hinayaan din nilang lumaki,
    Kundi maging sa tapunan nila pati
    Ng basura’y tila mas lalong malaki!

    At kung saan bunsod ng di pagbabayad
    Ni Blueboy, sa naging atraso ng siyudad,
    Umabot sa puntong isinara’t sukat
    Ang Kalangitan Landfill sa Capas, Tarlac

    Para mapilitan ang ‘city government’
    Upang bayaran ang sitenta milyones
    Na pagkaka-utang ng siyudad Angeles
    Sa tapunan nga ng bagay na ‘unwanted’.

    At tumataginting na daang milyones
    Ang posibleng maging utang ng Angeles
    Kung di pumasok sa eksena si Ka Ed
    At si Blueboy itong nakapag-’reelect’

    Pagkat di malayong lalong mababaon
    Sa utang ang siyudad sa kamay ni Blueboy
    Kung siya’y nabigyan pa ng pagkakataon
    Na maupong muli bilang isang Mayor.

    Dahil imbes proyektong pagkakitaan
    Ng siyudad ang bigyan ng prayoridad n’yan
    Ay baka pamuling magpapatayo yan
    Ng kung anong hindi pakikinabangan;

    Na kagaya nitong aniya’y Sports Complex
    Na inaakala niyang magpapanhik
    Ng kuwarta sa kabang-bayan ng Angeles,
    Gayong inutang lang din nila ang ‘budget’

    Na ang halaga ay halos isang bilyon
    Para ipatayo ang kagaya nitong 
    Proyektong baka ni isang daang milyon
    Ay di kikitain n’yan sa sampung taon;

    Kaya suma-total, baka ni interes
    Ng halagang yan ay hindi maibalik,
    Sa kabang-bayan ng ‘City of the Angels’
    Sakali’t matuloy man ang Sports Complex.

    Di po ba malaking kahihiyan itong
    Pati serbisyo ng kuryente’y maputol,
    Pero haya’t pinangutang ang city hall
    Ng halos bilyones para sa proyektong

    Magarbo at wala namang katiyakan
    Na mababawi ang halagang naturan;
    Gayong may utang na marapat bayaran
    Sa AEC at sa ‘landfill’ na naturan?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here