Uphold judicial independence

    356
    0
    SHARE

    Sakali’t ma-‘impeach’ si Justice Corona
    Bilang punong hukom sa Korte Suprema,
    Di malayong maging tulay sa pamilya
    Ng mga Aquino upang i-reverse pa

    Ng ‘highest court of justice’ ng ating bansa
    Ang desisyon nito oras na masipa
    Ang chief justice, at ang maging kapalit nga
    Ay sa kampo naman nila magmumula.

    Bunsod na rin nitong posibleng pagtutol
    Ng mga kaanak ni Pangulong P-Noy
    Sa wari ba’y mapanganghas na desisyon
    Ng chief justice at ng kanyang kapwa hukom. 

    Hinggil sa asyenda ng kanilang angkan
    Na walang sinumang naglakas loob d’yan
    Upang salingin ang lupaing naturan,
    Liban lang kay Madam Gloria Macapagal

    Sa pamamagitan ng Batas Agraryo
    Na marapat ipairal ng gobyerno;
    At kung saan dapat ipamudmod ito
    Sa kanilang ‘lawful’ na benepisaryo.

    Kaya naman hayan ng dahil marahil
    Sa puntong ang dating Presidente natin
    Ang kay Corona ay nagtalaga mandin,
    Malamang pati siya’y idinamay  na rin

    Sa napakaraming balak na isinampa
    Ng DOJ laban kay Pangulong Gloria,
    Kahit pa ma’t yata walang matibay na
    Basehan ang kaso laban sa dalawa.

    Pero ng dahil na rin sa pagnanais
    Ng administrasyon na siya’y ma-‘impeach’,
    Hayan… pati pamilyang nananahimik
    Ng mahistrado ay gusto nang idawit?

    Ng mga ‘senator-judges’ na didinig
    Sa kaso kung sadyang ang ating Chief Justice
    Ay may iligal o gawang di matuwid,
    (Kasama pati na ang kasanggang-dikit

    Na maaring idawit n’yan sa usapin
    Sukdang umabot sa ika nga ay ‘Fishing
    Expedition’ ang paghanap ng maaring
    Kasuhan para lang makapag-magaling?)

    Pero kahit pa man posibleng may ‘lapses’
    Ang ‘highest tribunal’ sa iba nitong ‘judgment,’
    Gaya halimbawa ng sa “League of Cities,”
    Na tila nag-‘flip flop’ na ng ilang beses.

    Ya’y di naman lubos kay Justice Corona
    Posibleng isisi pati ang iba pa,
    Sapagkat isa lang siya sa labing-lima
    Na nakatalaga sa Korte Suprema.

    Na maaring minsan ay di magkatulad
    Ng interpretasyon sa iisang batas,
    Kundi man ng dahil sa higit ang hatak
    Ng isa kung kaya posibleng mag- flip flop

    Ang desisyon ng ating ‘highest tribunal’
    O ng alin pa mang ‘court of justice’ minsan
    (Na di dapat iba ang tinititigan,
    Kaysa ika nga ay kanyang tinitingnan).

    Pagkat bilang ‘bar of justice’ ng gobyerno
    Ay kinakailangang maging patas ito;
    Upang ang ‘judicial independence’ nito
    Ay tunay naman ding karespe-repeto!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here