Home Headlines Unang Simbang Gabi nagsimula na

Unang Simbang Gabi nagsimula na

803
0
SHARE
Pusong mapagpakumbaba ang tema ng homiliya ni Fr. Leo Nebril sa unang Simbang Gabi sa simbahan ng San Antonio de Florencia, Barangay Mabatang. Kuha ni Ernie Esconde

ABUCAY, Bataan — Nagsimula na ang pinakahihintay na unang Simbang Gabi na ginanap sa mga Roman Catholic churches sa Bataan sa pamamagitan ng isang anticipated Mass nitong Huwebes ng gabi. 

Sa parokya ng San Antonino de Florencia sa Barangay Mabatang sa bayang ito, punuan ang simbahan na hanggang sa labasan ay may mga taong nakatayo na lamang habang nakikinig ng Banal na Misa. 

Pinangunahan ang Misa ni Rev. Fr. Leo Nebril na sumentro ang panimulang mensahe sa pagpapakumbaba. 

“Ngayong araw na ito ay sinisimulan ang siyam na gabing paghahanda ng ating sarili para sa dakilang kapistahan ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo at sa mga pagbasa natin ngayon, tayo ay inaanyayahan na sa ating paghahandang ito na tayo ay magkaroon ng pusong mapagkumbaba,” sabi ng pari. 

“Ang pakumbabang humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan at pagkukulang na ating nagawa at pakumbaba upang magpatawad sa mga taong nagkasala at nagkamali sa atin.  Nawa’y sa pagdating ng kapaskuhan maging panibago tayong sabsaban kung saan muling isisilang ang ating Panginoong Hesukristo,” saad ni Fr. Nebril. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here