DINALUPIHAN, Bataan – Naitala ngayong Martes and pinaka-unang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa bayang ito, batay sa ulat mismo ni Mayor Maria Angela Garcia.
Kinilala ng punong bayan ang pasyente na isang babaeng 67–taong gulang, kasalukuyang naka-confine sa Bataan General Hospital and Medical Center sa Balanga City.
Unang na-admit ang pasyente sa Dinalupihan District Hospital noong Abril 15 hanggang ilipat ito sa BGHMC noong Abril 20.
Patuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng babae at pag–
disinfect sa pinanggalingan niyang barangay at karatig na lugar, sabi ni Garcia.
Dati, tatlong bayan kabilang ang Dinalupihan sawalang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa kabuuang 11 bayan at isang lungsod sa Bataan.
Sa pagkakaroon ng kaso ng Dinalupihan, ang nananatili na lamang Covid-free ay ang magkatabing bulubunduking bayan ng Bagac at Morong.
Batay sa ulat ng provincial health office Lunes ng gabi, tumaas sa 96 ang bilang ng confirmed Covid cases sa Bataan.
Nananatili sa 22 ang bilang ng naka-rekober at apat ang patay.