Home Headlines Unang 7 Bulakenyong inilikas mula Middle East, tutulungang magkatrabahong muli

Unang 7 Bulakenyong inilikas mula Middle East, tutulungang magkatrabahong muli

131
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Patuloy na aagapayan hanggang magkaroon muli ng trabaho ang unang pitong mga Bulakenyo na nairepatriate mula Gitnang Silangan.

Iyan ang tiniyak ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Overseas Worker Welfare Officer Mark Joseph Bondoc nang ihatid pauwi sa lalawigan ang nasabing mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Bahagi sila ng repatriation mission ng Department of Migrant Workers, sa pamamagitan ng OWWA, na iniayos ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Inilahad ng tubong Paombong na si Ana Katrina Osorio, na nagtrabaho bilang manager sa isang fitness gym sa Kuwait, na inabot ng 12 oras ang kanilang biyahe mula Kuwait patungong Riyadh, Saudi Arabia sa tulong ng Embahada ng Pilipinas. Sa Riyadh sila sumakay ng eroplano pabalik ng bansa.

Pinabaunan ni Gobernador Daniel Fernando ng mga kaban ng bigas, groceries, mga prutas at tig-P10 libo na tulong pinansiyal ang unang pitong mga Bulakenyo na nairepatriate mula Gitnang Silangan. (Vinson F. Concepcion/PIA 3)

Paglapag nila sa Pilipinas, sinundo naman sila ng bus ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa utos ni Gobernador Daniel R. Fernando.

Pagdating sa Bulacan, pinabaunan sila ng gobernador ng mga kaban ng bigas, groceries, mga prutas, at tig-P10 libo na tulong pinansiyal.

Tiniyak naman ni Bondoc na kapag may mga Bulakenyo na makakasamang makauwi sa mga nakatakda pang repatriation flights, ganito rin aniya ang ipagkakaloob na tulong at pag-agapay. (CLJD/VFC, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here