Umaatikabong halikan nina Jennylyn Mercado at Sam Milby

    498
    0
    SHARE
    Lahat daw ng level ng halikan ay ginawa nina Sam Milby at Jennylyn Mercado sa rom-com movie na The PreNup, ayon sa award-winning director na si Jun Lana.

    “May soft, may hard, may passionate, may todo!” deklara ni Lana sa presscon ng movie.

    Ano ang best na kissing scene ng dalawa?

    “Ay, hindi ko alam sa kanila,” tugon niya. Pero ang alam ng director kung alin ang pinakamabahang kissing scene ng dalawa niyang bida.

    Ayon kay Sam, ’yung unang halikan nila ang memorable sa kanila ni Jen.

    “Actually, first time naming magkasama kasi. Sa isang bridge ’yon sa Central Park. Excited siyempre. Maganda pa ’yung place. Yes, why not? Hahaha!” sabi ni Sam.

    “Medyo ninerbyos ako kasi first time, eh. Eh, ilang araw pa lang kaming nagsu-shooting nu’n. So, medyo kinakabog talaga ako. Kinakabahan ako!” saad ni Jen.

    After ng halikan, kinakabahan pa rin daw ang Kapuso actress. “Hanggang sa nakauwi na ako, eh, kinakabahan pa rin ako, hahaha!” sey pa niya. “Na-stress kaya ako! Sobrang kaba!” dugtong ng aktres.

    Kung hindi nahirapan sina Sam at Jen na mag-shoot sa iba’t ibang lugar sa NYC, nakita ni Direk ang haba ng pasensiya ng dalawa nang mag-shoot sila sa pamosong Times Square na sobrang dami ng tao at nagkataon pa na Friday nila ginawa ’yon.

    “Paulit-ulit kami sa Times Square hangga’t hindi namin makuha. Salamat at pasensyoso ang mga artista ko. Talagang ang daming tao!” chika pa ng director.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here