TV5’s Artista Academy sinugod ng mga kabataang gustong maging artista

    420
    0
    SHARE

    Dinagsa ng mga kabataang aged 16-22 ang audition ng Artista Academy. As of 4 p.m. ay nasa mahigit 12,000 daw ang bilang ng mga gustong mag-audition at kinailangan nilang ipatigil ang pagpapasok dahil masyado na ngang marami.

    Hindi lang ordinaryong kabataan ang nakita namin doon kungdi familiar faces dahil may mga kapatid ng artista at mayroon ding artista na talaga.

    Nag-audition ang kapatid ni Aljur Abrenica na si Avin, ganundin ang younger brod ni Gerald Anderson na si Kenneth Alex.

    Pero ang ikina-shock ng maraming press ay ang pag-a-audition ng anak ni Alvin Patrimonio na si Angelo Patrimono.

    Dati siyang Star Magic talent kaya marami ang nagtaka kung bakit kinailangan pa niyang mag-audition sa ganitong talent search gayung artista na siya at kahit paano ay may pangalan na.

    Katwiran ni Angelo, tumigil daw siya sa pag-aartista at tinapos ang kanyang pag-aaral. Ngayon daw ay graduate na siya ng culinary at gusto niyang magbalik sa pag-aartista.

    Someone asked kung bakit hindi na lang siya bumalik sa ABS-CBN ulit dahil siguro naman ay tatanggapin siya ulit doon pero ang manager daw niyang si Neil de Guia ang nakakaalam ng kanyang career.

    Okey lang naman daw sa kanya na magsimula ulit and since nagbabalik siya, gusto lang daw niyang subukan ang mga opportunity.

    Out of the 12,000 hopeful, pipili ng top 300 ang Artista Academy, hanggang sa maging 100 hanggang sa maging top 16.

    In the end ay isang babae at isang lalaki ang mananalo na tatanggap ng P10M each. Napakalaking halaga nito kaya naman hindi nakapagtatakang dagsain ito ng libu-libong naghahangad na mabago ang buhay nila at matupad ang mga pangarap.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here