TV5 sasabay sa mga giant networks

    331
    0
    SHARE
    Tulad ng ABS-CBN na may Star Magic at GMA-7 na may Artist Center, makikipagsabayan ang TV5 sa pagde-develop ng bagong talents na siyang magiging homegrown artists nila.

    Magtatayo rin sila ng sariling talent agency at tatawagin itong Talent5.

    Ang mamamahala ng Talent5 ay walang iba kundi si Audie Gemora, resident judge ng Talentadong Pinoy.         Kaya kaliga na niya ngayon sina Johnny Manahan ng Star Magic at Ida Henares ng GMA Artist Center.

    Ayon kay Direk Audie nang makausap namin sa presscon ng bagong talent show ng TV5, ang Star Factor, pumirma na siya ng two years exclusive contract para mamuno ng Talent5.

    Bago siya napili, inamin niyang na-consider para sa nasabing posisyon sina Boy Abunda, Wyngard Tracy, Girlie Rodis at ilan pang showbiz authorities.

    Pero hindi raw pumuwede ang mga ito kaya ani Audie, “nagprisinta” siya.

    “Nagprisinta ako, I asked for a meeting, tapos nag-prepare ako ng presentation, tapos, naglagay ako ng three-year plan and kinuha nila ’yung application ko and after about a month and a half, ’yun, tumawag na sila, ‘O sige, ikaw na ang kukunin namin.’

    “Tapos pinag-usapan na lang ’yung package kung magkano magtayo ng isang department,” kuwento ni  Audie.

    Sa mga hindi nakaaalam at nakakikilala, nagmarka ang pangalan ni Audie sa larangan ng teatro at musika.

    Sa mahigit tatlong dekadang karanasan sa teatro, kinilala siya bilang King of Musical Theater para sa   natatanging theater performances.

    Presidente rin siya ng sikat na theater group na Trumpets kung saan pinasimulan niya ang nangungunang multi-media summer workshops sa bansa na Playshop pati na rin ang music school na Musicademy at ang lumalaking summer workshop na My Talent.

    Anyway, para pasimulan ang paghahanap ng mga bagong mukha na igu-groom ng Talent5 bilang total stars, ilo-launch ng network ang pinakabagong talent search na Star Factor.

    Isang buong araw ang auditions na gaganapin sa July 25 sa SM Mall of Asia at susundan ito ng regional auditions sa SM Davao sa Aug. 1 and SM Cebu on Aug. 7.

    Bukas ang Star Factor para sa mga kabataang edad 13-18 na hahanapan ng total package ng good looks, exceptional talent, charm at star potential na ide-develop ng Talent5 para maging susunod na teen idols.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here