TV5 pays tribute to Nora Aunor

    413
    0
    SHARE

    Maganda ang ginawa ng TV5 na makasama ni Nora Aunor ang Noranians sa kanyang 60th birthday na ginawa sa Meralco Multi-Purpose Hall.

    May 14 old and new pictures ni Guy sa venue. Host si Arnell Ignacio sa party na dinaluhan ng ilang bigwigs ng network sa pangunguna ni Ray Espinosa. Dumating si Guy na naka-shorts at escort ang kaibigang si Ricky Lee.

    Isa sa highlights ng okasyon ay ang pagbibigay ng 60 fans ng 60 gifts kay Guy.

    Si Matet ang nagbigay ng  opening prayer at umiyak ito, kaya pati fans, naluha.

    Wala si German Moreno, hindi dahil gumanti sa hindi pagdating ni Guy sa 50th anniversary niya. Nasa Amerika pa that time si Kuya Germs.

    Ipinakita sa party ang teaser ng indie movie ni Guy na Kuwento ni Mabuti, kung saan, Ilocano ang kanyang salita.

    Naintriga kami sa sinabi ng director nitong si Mess de Guzman na “organic process” ang ginamit niya sa movie.

    In-announce sa okasyon na tuloy na ang gagawing telemovie nina Guy at Tirso Cruz III titled When I Fall in Love.
    Ang director nitong si Joel Lamangan at Joan Bañaga, TV5 business unit head, ang nag-announce. 

    Pinayagan ng ABS-CBN si Pip dahil telemovie ito at one hour and a half ang airing.

    Kasama rin sa cast sina Nadine Samonte, Karel Marquez, Akihiro Blanco at Marvin Agustin.

    Sabi, kasama rin sa cast si Bodie Cruz, anak nina Pip at Lyn Cruz, as the young TCIII.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here