TV5 executive imbiyerna kay Bayani Agbayani

    345
    0
    SHARE

    Hindi naitago ni Wilma Galvante, chief entertainment content officer ng TV5, ang disappointment at galit sa inaanak sa kasal na si Bayani Agbayani sa pagba-backout nito sa comedy series na 2 ½ Daddies. 

    Sa interview kay Wilma,  dalawang beses  niyang sinabing galit siya kay Bayani. Kaya raw pala hindi pinipirmahan ni  Bayani ang hawak na  kontrata para sa  comedy series dahil may offer ang ABS-CBN. 

    Ang hindi pa maganda para kay Wilma sa ginawa ni  Bayani, nag-taping pa ng pilot episode at sinabing hanggang sa second  episode lang siya, gayung alam na  continuing  ng karakter niya sa show. “Nagalit ako sa kanya. Nag-taping ka pa hindi mo pala tatapusin ang show. 

    Madali  kang palitan, no one is indispensable. Kungnagbago ang isip mo, bakit ka pa nag-taping? “Sana, respeto na    lang sa network at mga  kasama mo.

    Hindi fair sa network ang ginawa  mo, hindi ka nagpaalam nang maayos. Hindi porke’t Happy Network ang TV5, puwede mo  na akong bastusin.  “Unprofessional siya.

    Sitcom ito, kahit ano, puwede mong gawin, sabihin mo lang nang maayos,” pahayag ni Wilma.

     On the other hand, masaya si Wilma  sa new shows ng TV5 na light ang content mula sa daily shows hanggang sa weekend  shows. Infotainment ang mga show  nila na ang creative department ng TV5 ang nag-line-up. Kabilang ang 2 ½ Daddies nina Robin at Rommel Padilla, BB Gandanghari, Alice Dixson at Celia Rodriguez dito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here