‘Turismo sa Lungsod ng Angeles palpak’

    436
    0
    SHARE
    ANGELES CITY – Dismayado ang mga Angeleño, maging ang ilang residente na karatig-lungsod ng Angeles, dahil sa wala umanong nagagawa si Tourism Officer Pie Flores upang mapaunlad ang turismo dito.

    “Definitely may accomplishment siya. Ngunit ang tanong diyan ay kung may impact ba ang mga ito? Or is it significant?” ani ng isang tagapangulo ng isang non-governmental organization sa lungsod sa panayam sa kanya sa telepono.

    Tumanggi itong magsabi ng pangalan dahil ang NGO ay isa sa mga kasama ng local na pamahalaan sa ilang mga proyekto.

    Dagdag pa niya, may karapatan umano tayong magtanong ng ganun dahil pera natin ang ginagamit nila at ipinangsu-sweldo sa kanila.

    “Ang kailangan natin ay mga numero at hindi lamang mga salita kapag ang pinag-uusapan ay mga accomplishments na may impact,” aniya..

    Maging ang ilang mga nagtatrabaho sa ibang mga local na pamahalaan sa Pampanga ay nagpatutsada rin kay Flores.

    Maliban sa City Hall Idol, Battle of the Bands at ang pagpapaganda sa rotunda ay wala na umano siyang nagawa pa upang paunlarin ang turismo ayon sa isang empleyado sa City Hall sa San Fernando.

    “Hindi ko alam kung may mga cultural or heritage projects siya,” dagdag pa niya.

    Kamakailan lamang ay nanawagan ang Pinoy Gumising Ka Movement (PGKM) na dapat umanong magpaliwanag si Flores kung saan napunta ang kinita ng taunang “Tigtigan Terakan Keng Dalan.”

    Sinabi ni PGKM Chairman Ruperto Cruz na dapat na muna itong ihinto dahil maaari itong pagmulan ng graft and corruption.

    Ani naman ni Barangay Kapitan Rodelio “Tony” Mamac ng Balibago, wala siya umanong nakikitang indikasyon na epektibo si Flores bilang isang tourism officer.

    Aniya, hindi rin umangat ang turismo dito o nadagdagan man ang mga palabas at tourism events, kundi bagkus ay nabawasan pa.

    Sinubukang i-text at tawagan si Flores subalit hanggang ngayon ay hindi pa siya sumasagot.

    Ikinagalit din ng maraming mga Angeleño ang pagkawala ng Sisig Festival na siyang pinaka-tampok na kasiyahan sa lungsod taon-taon.

    Extorsyon at mga set-ups ang patuloy umanong nangyayari kung saan mga foreigners pa ang madalas na biktima.

    Subalit may pumuri naman sa kakayahan ni Flores, ngunit may kasamang patutsada.

    I think she’s doing a good job in sugar-coating the Nepo administration. I believe she is a very intelligent person and she should not allow herself to be enmeshed in the dirty politics of her boss,” ani naman ng isang Fides Guerrero sa text message.

    Sabi naman ng isang empleyado ng isang malaking kumpanya sa loob ng Clark: “Sa tingin ko wala [siyang nagagawa] kasi nagwo-work ako dito sa Clark, pero parang hindi matunog ang Angeles City. Mas lagi gusto pumunta na lang ng Manila.”

    “Lack of promotion ang prublema,” ani Cherry Aclan, sales associate ng isang banko.

    Ani naman ng isang Shirley Meneses, sales director sa isang real estate, ang tourism officer ay dapat mag-exert ng extra effort para i-promote ang lungsod.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here