MANILA—Higit na tumaas ang quality of coverage o antas ng pamamahayag sa katatapos na makasaysayang automated elections kumpara noong 2004 at 2007, ngunit mayroon pa ring mga pagkukulang.
Ito ang buod ng pagsusuring isinagawa ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) sa pangunguna ng executive director nito na si Melinda Quintos De Jesus na siyang naging pangunahing tagapagsalita sa pagbubukas ng ika-14 na taunang Philippine Press Institute National Press Forum ng Philippine Press Institute (PPI-NPF) na isinagawa noong Hunyo 23 sa Diamond Hotel sa lungsod na ito.
Ang pahayag ni De Jesus ay inayunan naman ng mga otoridad ng ibat-ibang media platform o padaluyan ng pamamahayag sa bansa tulad ng radyo, telebisyon, pahayagan at ng internet; na nagsagawa rin ng kanilang magkakahiwalay na presentasyon sa tatlong araw na pagtitipon na natapos noong Hunyo 25.
Ang ika-14 na PPI-NPF na may temang “Assessing the 2010 Automated Elections” ay kaugnay ng ika-13 PPI-NPF na isinagawa noong nakaraang taon na may temang “Reporting the 2010 Elections Now” na nasundan ng dalawang pagsasanay sa mga mamamahayag sa mga lungsod ng Cagayan De Oro at Cebu noong Oktubre at Pebrero na may temang “Ready for the Elections.”
Hindi rin pinalampas ng mga tagapagsalita sa PPI-NPF ang malagim na kapalarang kinahinatnan ng 32 mamamahayag na pinaslang sa Maguindanao noong Nobyembre 23, o ang ikatlong araw ng pagsisimula ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato sa buong bansa.
Dahil dito, nanindigan ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na walang “honeymoon period” sa pagitan ng mga bagong halal na opisyal at panawagan ng mga mamamahayag para sa katarungan sa mga pinaslang na mamamahayag sa bansa mula 1986 na umabot na 140, kabilang dito ay ang 103 na pinaslang mula 2001.
Batay sa ulat ng CMFR, kapansin-pansin ang pagbabago sa pamamaraan at kabuuan ng pagbabantay ng mga mamamahayag sa nagdaang halalan kumpara noong 2004 at 2007.
Ang CMFR ay isang organisasyon na nagsasagawa ng pagsusuri at monitoring sa mga balitang inilalabas sa dyaryo at telebisyon, may eleksyon o wala.
Inilarawan ni De Jesus ang pagbabago sa coverge sa nagdaang halalan bilang “remarkable improvement” kung saan ang mga mamamahayag ay naging aktibo sa paghahatid ng mga balita na may kaugnayan sa mga isyu tulad ng korapsyon, kalusugan, edukasyon, kalikasan at kapaligiran at iba pa.
Kabilang din dito ay ang pagkilos ng ibat-ibang organisasyon, pahayagan, at mga himpilan ng radyo at telebisyon na nagsagawa ng inisyatiba para sa debate ng mga kandidato.
Ayon kay De Jesus, marami pa ring lumabas na balita na nakatutok lamang sa kandidato at hindi sa mga isyu katulad noong 2004 at 2007, ngunit higit na tumaas ang porsyento ng pagbibigay pansin ng mga mamamahayag sa mga isyu sa nagdaang halalan.
Gayunpaman, binigyang pansin niya na sa kabila ng mas mataas na antas ng pamamahayag sa nagdaang halalan, halos nakalimutan din ng mga mamamahayag ang mga kandidato sa pagka-senador at maging ang halalan para sa party-list.
“Maganda ang ipinakita nating coverage sa nagdaang halalan, but we still have a lot to improve,” ani De Jesus at idinagdag pa na ang buong monitoring report ng CMFR sa nagdaang halalan ay kanilang ilalabas sa Agosto.
Ipinayo rin niya sa mga mamamahayag sa dyaryo na kailangang magbago ang kanilang pananaw, na sa halip na magpatuloy sa “beat reporting” ay dapat lumipat sa “thematic reporting” upang higit na maipakita ang konteksto ng bawat balitang ihahatid.
Ang pahayag ni De Jesus ay inayunan naman nina Isagani Yambot, ang pangulo ng PPI na itinuturing na pambansang samahan ng mga pahayagan; Atty. Rejie Jularbal, ang pangkalahatang kalihim ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas; at ni Erwin Oliva, ang country editor ng Yahoo! Philippines.
Ayon kay Yambot, “Overall, we believe that the print media did a good job in covering the 2010 elections, and personally, I would give us a rating of about 7.8 to 8 on a scale of 10.”
Bilang publisher ng Philippine Daily Inquirer, inihalimbawa rin niya ang malawak na pagbabalita ng kanilang pahayagan, at ang pagdadagdag ng iba pang pahayagan sa bansa ng mga mamamahayag na nagsagawa ng coverage sa nagdaang halalan.
Sa hanay naman ng radyo at telebisyon, binigyang diin ni Jularbal na nanatiling balanse ang pagbabalita ng ibat-ibang himpilan na nakabase sa kalakhang Maynila.
Sinabi ni Jularbal na “There was a conscious effort not to cross the line that divided editorial prerogative on content, particularly news worthy events, and what might be perceived as “endorsing candidates”.
Ngunit sa hanay ng mga himpilan ng radyo at telebisyon sa mga lalawigan, sinabi niya na malaki ang kaibahan ng coverage ng mga ito kaysa sa mga nakabase sa kalakhang Maynila.
Ito ay dahil sa kanyang inilarawang “very personal nature of politics” sa mga lalawigan na nakaapekto hindi alamang sa kampanya kundi sa pagsasahimpapawid ng mga balita sa mga lalawigan.
Isa sa tinukoy niyang problema ay ang mga “blocktimers” sa mga himpilan ng radyo sa mga lalawigan na ayon sa kanya ay nakabawas sa kredibilidad ng mga himpilan ng radyo sa mga lalawigan.
Sa hanay naman ng internet, binigyang diin ni Oliva na patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong gumagamit nito partikular na ang mga social networking sites tulad ng Facebook.com.
Para kay Oliva, hindi lamang sa taong ito ginamit ng mga pulitiko ang internet para sa kanilang kampanya kundi ay noon pang 2007, ngunit higit na mas marami ngayon ang gumamit at higit na maraming kandidato sa nagdaang halalan ang naghanda ng pondo para sa kanilang advertisement sa internet.
Ayon kay Oliva, ang internet ay may kakayahan na rin ngayon na makipagsabayan sa radyo at telebisyon sa larangan ng paghahatid ng pinakahuling balita, katulad sa nagdaang halalan.
Bukod dito, binigyang pansin niya ang pagiging aktibo ng mga gumagamit sa internet sa pagbibigay ng komento at maging ng mga dagdag na balita.