Home Opinion Tulong ang kailangan ng mga biktima ng bulkang Taal

Tulong ang kailangan ng mga biktima ng bulkang Taal

963
0
SHARE

LIKAS ang pagiging mga matulungin
nating mga Pinoy, lalo pa’t pagdating
sa pagkawanggawa na maituturing
na para bang ating moral na tungkulin.

Gaya ng pagtulong na ginawa riyan
sa taga Batangas nitong iba’t-ibang
organisasyon at ilang indibidual
na namigay ng libreng kanin at ulam.

At paninda lang ng iba sa kanila
na may maliit na puesto o kantina,
itong sinaing at ulam nilang tinda,
ang ipinamigay sa mga biktima.

Dala na rin minsan ng matinding awa
ng may malasakit sa kanilang kapwa
itong sa puso n’yan ang nakadambana,
kaya’t ang bagay na ‘yan ay nagagawa.

Na mabibilang na sa ating daliri
itong sa ngayon may mabuting ugali,
nang dahil na rin ng kislap ng salapi,
na siyang sa puso nangingibabaw lagi.

Bihira ang tulad d’yan ng kusang loob
na namudmod nitong pagkain at gamot,
at isa itong may maliit na ‘fast food’
sa nagpadala ng kaunting maiabot.

Marami-rami rin ang nagbigay tulong,
kung saan isa ang ‘Provincial Governor’
ng Pampanga, na personal mandin nitong,
inihatid ang kanyang taos na pagtulong.

Bitbit ang ’62 truckloads of relief goods,
kasama ang ‘team of more than hundred persons
consisting of doctors, nurses, private sectors,
Gob “Delta” brings aid to Batangas governor.

Together with his group to personally give
To said Gob Mandanas the food, other relief
He wants to extend to all of his constituents,
Since his province is now almost devastated.

Aywan lang kung mayrung mga bilyonario,
na katulad d’yan ng ngayo’y owner mismo
ng Meralco’t ibang higanteng negosyo,
itong nag-share kahit ‘baryang tig-sisingko’!

At ang iba pa r’yan na tumatabo rin
ng ‘millions of pesos’ kung nagpahatid din,
gaya ng sikat na boksingero natin
at kapwa senador na mga billionaires.

Anong sa puso at damdamin kaya riyan
ang sa ‘bukambibig’ nating kasabihan
ay nakahiga sa kamang ang sapin n’yan
ay kwarta’t ang katre ay pilak, kabayan?

Kung sa kabila ng kalagayan nila
na sila’y sagana sa lahat-lahat na,
pero ang kapwa ay dilat itong mata
ng dahil sa gutom pagkat walang pera?

At di pa magawa ng isang mayaman
ang ibahagi ang kahit isang araw
na kita sa NLEX at Meralco r’yan,
ang salaping di mabitbit sa pagpanaw?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here