Home Headlines Tulay sarado dahil sa bitakBabagsak anumang oras

Tulay sarado dahil sa bitak
Babagsak anumang oras

569
0
SHARE

SAN JOSE DEL MONTE CITY — Hindi na pinadadaanan sa anumang uri ng sasakyan ang tulay sa Barangay Dulong Bayan ditto dahil sa panganib na bumagsak na ito matapos makitaan ito ng bitak.

Ang tulay na ito ay halos nasa 50 taon nang nakatayo at nanganganib na bumagsak dahil sa mga biyak na malapit nang humiwalay sa pundasyon nito.

Bukod sa matanda na ang naturang tulay ay dinaraanan ito ng mga malalaking truck na naglalaman ng mga lupa, bato at buhangin at mga pampasaherong bus na isa sa sinasabi ding dahilan ng pagkasira nito.

Ngunit ngayon ay halos nakalundo dahil sa biyak nito sa puno ng tulay. Wala na din ang ibang mga tukod o poste nito at mga nangatumba na.

Ayon sa SJDM City Engineering Office, mula noong ika-lima ng Pebrero ay hindi ba nila ito pinadadaanan sa mga sasakyan at kanila nang isinumite ang ulat na ito sa kanilang punong bayan.

Pinag-iingat nila ang publiko at magtiis na munang dumaan o umikot sa malayong barangay upang makarating sa kanilang pupuntahan.

Panawagan naman ng isang residente na si Edmond Domingo sa lokal na pamahalaan na sana mapabilis na magawa ang sira ng tulay dahil delikado na ito sa publiko.

Bukod sa delikado ay apektado na rin maging ang pang-araw araw nilang pamumuhay gaya ng trabaho at pagnenegosyo dahil marami na ang naaantalang mga kalakalan na imbes mapabilis ang biyahe at lumalayo ito dahil umiikot pa sa kabilang barangay.

Pahabol pa niya na sana ay malagyan ng pansamantalang maliit na tulay para sa tao na nais tumawid dito nang hindi na sila dadaan sa ibabaw ng tulay na may sira na.

Lubha aniya peligroso sa mga tao kung biglang gumuho ang nasabing tulay.

Sa ngayon ay hinarangan na ito ng lokal na pamahalaan ng SJDM at nilagyan ng karatula na hindi na maaring dumaan dito ang lahat ng uri ng mga sasakyan maging ang mga motorsiklo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here