Home Headlines Tulak nalambat sa buy-bust

Tulak nalambat sa buy-bust

763
0
SHARE

Ang mga droga at buy-bust money na nakuha sa suspect. Kuha ng San Leonardo Police Station


 

SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Kalaboso ang binagsakan ang isang rider nang maaresto sa buy-bust operation ng mga operatiba ng municipal police station sa Barangay Mambangnan ng bayang ito nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Major Jaime P. Ferrer, hepe ng pulisya, isinagawa ang operasyon laban sa suspek na nakilalang si Oliver de Guzman, 44, residente ng Barangay Mayapyap Sur, Cabanatuan City, nang makumpirma ang di-umano’y pagbibiyahe nito ng droga mula sa Sta. Ana, Manila.

Tinatayang 2.5 grams ang 16 na sachet at nagkakahalaga ng P15,500 ang shabu na nasamsam mula sa suspek.

Ang suspek na kabilang umano sa watchlist ng pulisya ay nagta-trabaho bilang rider o taga-deliver ng tanyag na online shopping company, ayon sa pulisya.

“Isa ito sa mga malalaking nahuli natin ngayong buwan dahil malamang ay ito rin ang nagtutulak sa kanilang lugar sa Cabanatuan City,” sabi ni Ferrer.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Law ang suspek, ayon sa opisyal ng pulisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here