Tubig Festival ng Dinalupihan dinumog

    565
    0
    SHARE
    DINALUPIHAN, Bataan- “More, more!” Ito ang sigaw ng maraming tao habang binobombahan sila ng tubig mula sa malalaking hose ng firetrucks nina Dinalupihan Mayor Joel Payumo at telebisyon star Benjie Paras sa ginanap na Tubig Festival nitong Martes sa baying ito.

    Masayang-masaya naman sina Payumo at Paras na nasa itaas ng firetruck na tila nagdidilig ng mga halaman sa mga nagsisigawang mga tao na karamihan ay sumasayaw sa saliw ng banda ng musiko.

    Halos taon-taon sa nakalipas na ilang taon na ay kasama si Paras sa Tubig Festival na ang turing sa kanya ng mga tao ay taga-Dinalupihan na rin.

    Nauna rito, matapos ang misa sa St. John the Baptist Church malapit sa plaza ng Dinalupihan, nagkaroon ng dula-dulaan na tampok ang isang gumaganap bilang San Juan sa kanyang unang pagbabautismo habang dumudupikal ang kampana.

    Binasbasan ng pari ng parokya ang mga tao sa paligid at doon na nagsimula ang umaatikabong basaan.

    Nilibot ng maraming tao ang malaking bahagi ng poblacion ng Dinalupihan na ang iba’y may dalang imahen ni San Juan at ang iba nama’y karga sa balikat ang maliit na anak.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here