Home Headlines Tsino patay sa pananaksak ng mga kapwa Tsino

Tsino patay sa pananaksak ng mga kapwa Tsino

778
0
SHARE

CLARK FREEPORT — Patay ang isang  Chinese national habang nilalapatan ng lunas sa ospital matapos pagtulong-tulungan saksakin ng kapwa nito mga Intsik  habang nagiinuman sa loob ng Clark Freeport Zone.

Batay sa report ng Public Saftey Division ng Clark Development Corp., kinilala ang  biktimang si Siuda Guo alyas “Archie.”
Ayon sa ulat ala-una y media ng madaling araw noong Miyerkules sa Room 1001, 10th Floor, Building L1, D’Heights, Clark Freeport Zone, ay nagiinuman ang biktima at tatlo pang Tsino na nakilala lamang sa alyas na “Young,” “Jack,” at “Eric” nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito na nauwi sa pananaksak.
Pinagtulung-tulungan umanong saksakin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng mga suspek ang biktima gamit ang isang kutsilyo.
Matapos ang insidente, ang mga suspek ay mabilis na tumakas sakay ng isang
itim na Toyota Fortuner na may plakang  DAM 6775 sa di pa mabatid na direksyon.
Dagdag pa ng ulat, ngayong Sabado, May 15, binawian ng buhay ang biktima sa The Medical City dito kung saan siya isinugod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here