Home Opinion ‘Truth shall set us free’

‘Truth shall set us free’

907
0
SHARE

IPAGPATAWAD ng magilas na Mayor
ng Araw, ng Dagat at ng Buwang dilaw
itong sa kanya ay mga ilang tanong
na ninanais kong mabigyan ng linaw.

Ang pamilya ko ba’y may atraso sa iyo
(o ako na tatay ng mga anak ko,
apo at iba pa,) gaya ng ‘first apo’
namin na siyang ‘nurse’ sa DOH dito.

And she is under the direct supervision
of Dra. Bagtas who is on-leave ‘til now
And she (my granddaughter) acts as the same person
Who manage and perform daily vaccinations’.

Base sa info na napagtagni-tagni
natin – ‘in a hurry’ si Sir, itong susi
ng ‘stock room’ ang siyang bigla ay hiningi
n’yan sa ‘nurse’ nang galit,  walang pagtitimpi.

Hindi sa ayaw ng kawawang apo ko
na ibigay n’yan ang susing kanyang kargo,
kundi nang dahil sa may pasyente ito
‘at the time,’ na siya ay sugurin nito.

Di na ba naisip man lamang ni Mayor,
na ‘under DOH supervision’ itong
aking apo at ang kasama niyang doktor
na si Bagtas kaya di dapat ang gayon.

May tamang protocol na marapat sundin
ang sinuman, kaya ang Alkalde natin,
di tama ang basta na lang niya sugurin
ang DOH office, kung pakaisipin.

Tama bang sabihin ni Mayor kung hindi
umano ibigay ng ‘nurse’ itong susi,
wawasakin n’yan ang pinto ng gusali?
‘Grave abuse’ na klase ng pagkakamali!

May problema po ba na namamagitan
kina Mayor at sa ating DOH, diyan –
partikular kay Dr. Bagtas, kabayan
kung kaya ang simoy ng hangin mahanghang?

Kung saan pati na ang ating Kapitan
madalas tuwirang nilalapastangan
sa pagtawag niya ng ‘ba*la,  nang harapan,
gayong si Kap nga ay kapwa niya opisyal?

Kaya nga sabi ng marami higit na
mas mapuri itong kinakantyawan niya
na LGBT nga, pero talo siya
kay Kap ‘in terms of good performance’ kumbaga.

At sa akala ba riyan ni Makisig,
‘arrogant,’ tiwali’t , may kakaibang hilig
makakabuti sa kanya ang ‘malpractice’
na nakasanayan? Di kanais-nais!

Tig-‘9 years’ umupo sina Mayor Digos
at Madam Wong pero kahit kakarampot
na ‘suspension’ hindi nakaranas, bagkus
‘awarded’ sapagkat parehong ‘very good’!

E kayo Sir, di ba una dalawang buwan,
kasunod nito  ay anim na buwan naman;
Sa susunod aywan kung ito’y ‘perpetual
disqualification’ na galing sa Ombudsman!

Walang personalan – ang aking pahayag
na ito kung kaya di po kayo dapat
magalit sa akin bilang mamahayag
na nagsasabi ng totoo sa lahat!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here