Home Headlines Troso, punong kahoy sumalalak sa Bustos Dam

Troso, punong kahoy sumalalak sa Bustos Dam

1597
0
SHARE

Ang mga troso at punong kahoy na bumaba sa Bustos dam mula kabundukan matapos manalasa ang bagyong Ulysses. Kuha ni Rommel Ramos



BUSTOS, Bulacan — 
Isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses, sumalalak ang mga troso at punong kahoy sa Bustos Dam.

Mababa na ang water level sa nasabing dam na 15.18meters ngunit hindi pa rin maisara ang rubber gate nito dahil sa nakasalalak na mga puno ay patuloy pa rin ang pagbabawas nila ng tubig.

Pahirapan kasi ang pagtatanggal sa mga puno dahil iniiwasan ng pamunuan ng dam na mabutas ang mga rubber gates nito dahil sa mga sanga ng puno.

Ayon kay Francis Clara, pinuno ng water control coordination unit, ang mga puno ay tinangay sa dam ng rumaragasang tubig mula kabundukan dahil sa bagyong Ulysses.

Aniya, may puno ng narra ang natangay at ilang troso na ginagawang timber o tabla. May mga puno din ng kawayan ang sumalalak sa Gate No. 4 na kung hindi maiaalis ay posibleng makasira ng rubber gate.

Hinala niya na nagpapatuloy pa rin ang illegal logging sa kabundukan dahil patunay dito ang mga inanod na troso sa dam.

Magpapatuloy ang pagpapakawala nila ng tubig na nasa 50 cms upang hindi tumaas ang tubig at maialis ang mga troso at puno.

Aniya mahina lang naman ang pagpapakawala nila ng tubig at hindi makapagdudulot ng pagbaha sa lowlying areas ng Bulacan.

Tantya niya na aabutin pa ng ilang araw ang clearing operation sa Bustos Dam at iipunin nila ang mga troso at punongkahoy para maiturn over sa DENR.

Hinala din niya lilitaw na maaaring marami pang debris ng mga kahoy na naipon sa ilalim ng dam.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here