LUNGSOD NG MALOLOS – Triplets na Leap Year pa.
Ito ang pambihirang kapalaran ng mag-asawang Philip at Analyn Santos ng bulubunduking bayan Donya Remedios Trinidad sa Bulacan.
Si Analyn ay nagluwal ng tatlong sunod-sunod na sanggol sa loob lamang ang tatlong minuto sa Bulacan Medical Center (BMC) noong Miyerkoles, Pebero 29.
Unang iniluwal ni Analyn ang panganay sa triplets dakong 12:38 ng tanghali, nasundan naman ng 12:39 at ang huli ay 12:40.
Dalawang lalaki at isang babae ang triplets, at pinangalanang Simon, Sakira at Shiennie.
Ayon sa mga opisyal ng BMC, normal naman ang mga sanggol.
Tuwang-tuwa ang mag-asawa ngunit aminado silang mahirap ang mag-alaga at magpalaki ng tatlong sabay-sabay, dahil sa pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay.
Sa kabila ng kasiyahang ito kailangan ng gamot ng mga bata.
Batay pagsusuri ng mga duktor, nagpositibo sa Hepatitis B ang ina ng triplets kayat posibleng mahawa ang triplets.
Dahil dito kailangan mabakunahan agad ang mga sanggol.